CHAPTER 20

558 47 35
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra’s Pov]

Weeks had pass and I’m getting better each day, tinututukan talaga ako ni mommy hanggang sa unti unting paghilom ng aking sugat, pili din ang mga galaw ko para hindi mapwersa, pero ngayon ay ayos na ako, pwede na ulit barilin.

“Ate! Ang tagal mo naman!” Sigaw ni Harvey sa akin na nasa labas na.

Sandali lang!” I shouted back, dahil pinapakain ko si Rio at Momong dahil day off lahat ng kasambahay ngayon kaya wala ni isa ang magbabantay at magpapakain kaya naman dinamihan ko na ang lagay sa mga pinagkainan nila.

Malelate na tayo!” Inis na sabi ni Harvey sa akin.

“Huwag kang OA, may isang oras pa bago ang time, sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya.

Mabilis lang ang  isang oras na iyan, maniwala ka.” Sabi nito, well totoo naman iyon.

“Tsk, can’t you just wait for a minute.” Inis kong sabi at buntong hininga lang niya ang narinig ko.

Nang mabigyan ko ng pagkain ang dalawa ay umalis na kami ng bahay, gamit ang sasakyan ko ay minaneho ko na iyon papunta sa school, pagkapark na pagkapark ng kotse ko ay lumabas na si Harvey at tumakbo na papasok.

Naglakad naman na ako at pagkarating ko sa may gate ay may mga estudyanteng nagkukupulan at nagchichismisan.

“Gaga, ang hot nga niya.”

“Topless kasi that time dzaii.”

Ano kayang feeling na buhat buhat ng isang top less na Zero Mathaias Sullivan ano?”

Taka ko namang nilingon ang dalawang estudyante na nag uusap sa gilid dahil sa pinag-uusapan nila.

Hello, ako ang buhat ng Sullivan na iyan nang mabaril ako at wala itong damit, ni hindi ko man lang naramdaman o ano, tsk, these malalandi.

“Aminin mo dzaii, naglaway ka ano? Ang hot naman kasi, gosh.” Sabi ng isa at pinatirik ang mata kaya napailing ako sa pagkadisgusto.

Naglakad na lamang ako patungo sa hagdan at nakasabayan ko ilang junior na lalaki at abala sila sa pag-uusap.

“Oo, ayos na daw siya.”

“Hindi na daw papasok pare dahil natrauma dahil sa pagkakabaril.”

Grabe naman kasi ang nangyar sa kanila noong nakaraan ano? Nakakatako tuloy mag-aral dito may mamamaril bigla.”

Hanggang ngayon ba ay sariwa parin ang issue na iyan?

I respired a deep breath and tried to ignore them at ibinulsa na lamang ang aking kanang kamay sa aking palda.

“Ahh!” Napatili ako nang biglang bumulagta ang isa sa junior na kasabayan ko, naliligo na sa sarili niyang dugo. Maging ang nasa paligid namin ay biglang nataranta.

Abot abot na naman ang kaba habang pinagmamasdan ang lalaking nabaril sa gilid ng kaniyang dibdib at ang mga kasama nito kanina ay nagsitakbuhan na at umiiyak na sa sakit ang lalaki ngayon.

Sa taranta ko ay nilapitan koi to at tinanggal ang polo niya at pinunit ang t-shirt niyang nasa loob at itinali sa may sugat upang pigilan ang pagdurugo.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now