CHAPTER 34

566 46 52
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Zero's Pov]

Dinala ko na naman sa clinic, anak ng pating! Eh dinala ko na naman siya no'ng huwebes ah!

Pagkarating na pagkarating ay sinalubong na ako ng nurse at tinanong ang nangyari, sinabi ko naman.

Lumabas muna ako at naghintay na lamang.

Sabi niya ay natatakot siya kanina.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil parang alam ko kung bakit ito natakot kanina.

I sighed violently and scratch my head in frustration, napasandal ako sa pader at nakita ko si Alfie na tumatakbo papunta dito.

Agad na nag-init ang ulo ko.

“Anong kailangan mo?” I asked, at mahihimigan ang galit sa tono ng pananalita ko.

“How is she?” He asked at kita ko pa ang pag-aalala, pag-aalinlangan at konsensya.

Ano sa tingin mo? Sino ang okay na nahimatay? Bobo ka ba o bobo ka na talaga?”

“Sorry I—“

Ulol!” I cussed and raised my middle finger at him.

Lumayas ka dito kung ayaw mong pati ikaw ay ipasok diyan ng walang malay.” Sabi ko habang salubong ang dalawa kong kilay.

“You’re ruthless, sana magtagal kayo.” Aniya at mukang naiinis na din.

Hihigitan ko ang, mahigit isang taon mo, huwag kang mag-alala.” Sabi ko, ngumisi naman siya.

Goodluck then.” Sabi at ibinulsa ang kaniyang dalawang kamay.

“Alis na ako, I’ll be back if she’s okay na--”

Kahit huwag na, gago. Hindi ka niya kailangan.” Sabi ko, nakita ko kung paano nagtiim ang kanyang bagang at tumitig sa akin.

Bumuntong hininga na lamang siya at umalis.

Inaamin ko namang mas matured siya mag-isip kesa sa akin, dahil kung ako ang sinabihan no’n ay baka nagsasalita palang at nagmumumog na sarili niyang dugo.

Mabilis lamang akong mapikon, unlike him.

Hanga din ako sa tatag niya at napakatagal na niyang ipinagpipilitan ag sarili niya, halata naman sa kaniyang pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya kaya siya bumabawi ngunit ayaw na ni Leighra.

Pero hindi ko alam kung bakit, iniisip ko pa lang na may posibilidad na bumalik si Leighra sa kaniya ay napoprotesta na ang buong sistema ko.

Dagdag mo pa ang sinabi niyang mahal pa niya si Alfie ay para akong sinasakal sa hindi malaman na dahilan.

‘Gusto ko na ba siya?’

Hindi naman siguro ako aakto ng ganito kung hindi, hindi ba?

Probably yes, I do like her, not denying it.

Pero  mukang hindi magandang ideya na ganito ang nararamdaman ko sa kaniya, baka ay matakot siya sa akin kapag nalaman niya kung sino at ano ang pamilyang mayroon ako.

Napalobo ko ang pisngi at napahilamos.

Gising na siya.” Bigla ay sulpot ng nurse, agad na akong pumasok at ayun siya nakaupo.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now