CHAPTER 21

559 43 25
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra’s Pov]

I feel ashamed and guilty for accusing him.

I pouted my lips and earn some air inside my mouth that makes my cheek puff and chubby.

I accused him without any evidence that he is the reason behind all of this, dang!

I bite my lower lip and laugh in disbelief and sighed after, suddenly, I saw Harvey running towards me, looks so exhausted and fear is evident in his face.

“Where have you been!?” Galit na tanong niya.

“There.” Sabi ko at itunuro ang pinanggalingan namin ni Zero.

Kanina pa kami naghahanap sa iyo, nag aalala na din sila mommy at daddy sa iyo, tinatawagan kita, hindi mo pa sinasagot.” Inis na aniya.

“Hindi ko dala cellphone ko, naiwan ko sa kotse ko, ang bag ko nasa field, napulot niyo?” I asked in a normal tone.

He heaved a sigh at hinila na ang kamay ko pabalik sa campus.

Sobra kaming nag-aalala sa iyo, natatakot kami na baka ay ikaw na naman ang nabaril.” Sabi ni Harvey habang hawak hawak ako sa palapulsuan na parang bata.

Muntikan lang naman.” Sabi ko at dumura.

“What do you mean by muntikan?” Taka nitong tanong.

“Kasi iyong kasabayan kong junior kanina ang nabaril, ako pa nga ang nagbenda doon eh.” Sabi ko sa kaniya na para bang wala lang iyon sa akin.

Tinitigan niya ako at napailing na lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad, hinila ko ang kamay ko sa kaniya.

Bitaw na, hindi naman ako bata.”

“Una na ako kung ganoon, please be safe.” Aniya kaya tinanguan ko naman ito bago umalis.

Sa paglalakad ko ay nakita ko si Quim na aligaga at mukang hindi alam kung saan tatakbo, ayokong isipin na nababaliw na ito dahil sa dami ng kaniyang ginagawa dahil responsibilidad din niya ang kaayusan ng paaralang ito.

Nakita ko kung paano niya sabunutan ang sarili niya at tinanggal ang puyod at muling itatali, bigla ay napansin ko ang buhok kong sabog dahil sa pagtakbo ko pala kanina.

Hinagilap ko ang puyod kong malapit na palang mahulog at muling inayos ang pagkakatali ng buhok ko sa paraaang nakasanayan ko, I don’t tie my hair that well, lagi lang itong messy bun.

Muli ay naglakad ako at naramdaman ko ang kirot ng tiyan ko kaya napahawak ako doon

“Damn!” Napamura ako dahil dumugo iyon.

Bumalik ako palabas kahit pinituhan ako ng guard at nagtungo sa kotse ko at nagmaneho papunta sa hospital.

Pagkarating ko doon ay agad akong dumeretso sa may nurse.

“Hi, nurse Chen, palinis naman ng sugat ko.” Sabi ko at itinuro ang tiyan kong dumudugo.

Jusme kang bata ka, ano ang ginawa mong ikinapwersa ng katawan mo at dumudugo iyan?” sabi niya.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin