CHAPTER 50

494 43 43
                                    

Dedicated to icy_love12 angel_qttt micajuanico143

isang mga araw mga kayamanan ko, enjoy.

[Leighra's Pov]

"Nasaan ka?" Tanong ni Zero mula sa kabilang linya.

"Loob ng damit ko, nakasakay sa sapatos ko." Sagot ko sa kaniya.

"Tae! 'Yong totoo!?" Inis agad na tanong niya kaya natawa ako.

"Basta, mamaya mo na ako tawagan at hanapin, may date ako." Sabi ko pinatayan sabay pindot ng do not disturb sa cp ko.

Nandito ako ngayon sa mall, naghahanap ng pwedeng pang regalo para sa lahat para sa bagong taon.

Oo, magbagong taon na, napakabilis ng panahon ano? Tapos na ang Nobiyembre at heto, sasalubungin na namin ang panibagong taon.

Kaya heto ako, abala sa paghahanap ng regalo para sa pamilya ko at kay Zero.

Nakabili na ako para sa pamilya ko, maging sa mga pinsan at iba pang kamag anak, kay Zero na lang talaga.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niya, hindi ko alam kung ano ba ang pwedeng iregalo sa kaniya.

I asked Zevi pero sabi niya kahit ano naman daw ay gusto niya.

Naglibot libot ako kaso wala talaga akong mahanap, inis na inis na akong bumalik sa sasakyan ko habang nakasunod ang mga tumulong na nagbuhat sa mga regalong pinamili ko.

Kagigil.

"Salamat ho." Pagpapasalamat ko sa mga nagbuhat ng mga pinamili ko.

Nang makaalis sila ay pumasok na din ako sa sasakyan ko at nag-isip kung ano ba ang pwedeng pang regalo.

Sa resort ako dumeretso dahil doon kami magsecelebrate ng bagong taon.

Nakahanda na nga doon lahat eh, dahil lahat kaming magkakamag-anak ay doon ipagdiriwang ang bagong taon.

Nagtawag ako ng mga tutulong sa aking maglabas ng mga pinamili ko at dalhin sa isang suite, ayoko sa rest house dahil nandoon sila mommy ngayon at ibang kamag-anak namin.

Eh si mommy, pakeelamera minsan, nagbubukas ng regalo haist.

Pagkalagay ng mga mapamili ko ay lumabas na din ako, iniisip ko pa rin kung ano ba ang ibibigay ko.

Peste! Ano ba ang pwedeng iregalo?

Tae ko na lang kaya?

Lol!

Sabi ko nga walang kwenta akong mag-isip eh.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at pilit iniisip ang maaari kong ibigay.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagsearch, pero putek wala ding silbi.

Hanggang sa napunta ako sa aking gallery.

"Album." Bulong ko at mabilis na tumakbo papunta sa rest house.

Ni hindi ko na nilingon ang pamilya kong nasa sala basta nalang akong pumasok sa kwarto ko.

Mabilis kong hinalungkat ang DLSR ko at inilagay sa computer  lahat ng litarto namin at dinevelop.

Pero, paano ko gagawin?

Iaabot ko lang ng gano'n? Kung sisimulan ko ngayon matatapos 'to baka bukas pa?

Ano ba naman!

Hinintay kong maprint na lahat at tumakbo ulit palabas kinuha ang sasakyan ko at bumalik ng mall at nag hanap ng Photo Album.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now