CHAPTER 17

562 55 36
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

Sorry for slow update guys, much busy eh. Enjoy!

[Leighra's Pov]

Gaya nga ng ginawa ko ay umuwi na ako, I already texted Harvey na mauuna na ako kahit pa man may ilang oras pa bago ang uwian.

Nagpalusot nalamang ako sa guard para palabasin ako at mabuti nalang dahil nakalabas ako dahil kung hindi ay masapak ko ang guwardiya ng wala sa oras.

At dahil hindi ko dala ang aking sasakyan ay magtaxi ako pauwi.

Pagkarating ko ng bahay ay nadatnan ko si Nanny sa may sofa at nanahi.

"Nanny." Sabi ko at nagmano.

"Pagpalain ka ng Diyos, apo ko." Aniya nang nagmano ako.

"Napapadalas ata ang uwi mo ng maaga." Aniya.

"Boring po Nanny eh, sige ho, mauna na ako sa taas." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot ni Nanny at nagtungo sa kwarto ko.

At dahil maaga pa ay kinuha ko ang libro ko para magbasa ng nobela.

Umupo ako sa kama at binuklat ang libro at inihiga ang kalahati ng katawan ko sa kama at nagbasa muna.

Habang nagbabasa ay tinanggal ko ang sapatos at medyas ko gamit ang aking mga paa din ng hindi tinatanggal ang tingin sa aking binabasa.

At nang matanggal ay hinayaan ko nalang ito sa sahig at nagbasang muli.

Hours had passed and I feel sticky kaya naman tiniklop ko na ang libro at nilagay sa mesa ko at kinuha ang towel bago pumasok sa banyo.

Sinimulan ko na ang maligo at may pakanta kanta pa akong nalalaman, hindi naman kagandahan ang boses.

Well, ako lang naman ang nakakarinig so yeah.

"Siya ang leader na nagsabi ng kwak kwak, kwak kwak kwak, kwak kwak kwak, siya ang leader na nagsabi ng kwak kwak."

Kanta ko with action pa.

"May tatlong bibe akong nakita, mataba, mapayat mga bibe, ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa."

Patuloy ako sa pagkanta ng tatlong bibe na iyan habang sumasayaw sayaw pa.

Sa likot ko'y umaalog ang dede ko haist.

Kaya naman nang matapos na ang kanta ko at siya ding pagtatapos ng ligo ko.

Agad kong binalot ang sarili ko ng towel bago lumabas para maghanap ng damit sa damitan ko nagpalit na.

I blow dried my hair bago pumunta sa baba.

Bago ko mabuksan ang door knob ko ay tumunog ang cellphone ko kaya binalikan ko at tinignan kung ano iyon.

From: Alfie
Hey, umuwi ka talaga? Bakit?
Sent 6:03

Sa dami ng text niya ay iyon lang ang binasa ko na panigurado namang nakauwi na din dahil alas sais na ng hapon.

Isinilid kong muli ang cellphone ko at naglakad na ulit papunta sa baba at saktong nakasalubong ko si daddy.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now