CHAPTER 28

569 48 78
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Harvey's Pov]

"Ate, una na ako sa iyo, sasabay ako kay Ulap, sa may tapat na kami ng grocery store magtatagpo." Sabi ko kay ate na abala sa pagpapakain sa alaga niya .

"Sige, ingat, baka kayo ang magkatuluyan." Seryosong aniya na hindi man lang ako nilingon. Kahit na ganoon ay alam kong nang aasar na naman ang hinayupak na 'to.

"Mandiri ka nga!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Sige, lumayas ka dito, nandidiri ako sa iyo, muka kang tae." Aniya.

Napanguso naman ako at dadabog dabog na naglakad palabas, nakakabadtrip talaga si ate kahit kailan.

Sinimulan ko ng maglakad papunta sa kung saan kami magkikita ni Ulap, sabay daw kami na pumunta sa school eh.

At dahil malapit lang naman ang grocery na tinutukoy ko ay tumambay muna ako sa labas no'n habang hinihintay si Ulap, I open my data at chinat ang lokong iyon, paghihintayin pa ako.

'Oi! Nandito na ako! Bilisan mo, bawal pinaghihintay ang gwapo.' I chatted.

Nag delivered naman iyon at sandali pa'y naiseen na niya. He reacted a finger raised in between.

Siraulo ang Ulap na ito.

'Mangarap ka lang, libre iyan.' He replied.

I haha'd his reply.

'Kahit sa pangarap nga ay napakagwapo ko, samantalang ikaw kahit mangarap pangit pa din.' I replied and inserted an emoji with sunglasses, looks cool.

'Ulol!' I just reacted haha and turn off my data.

Ibinulsa ko nalang ang cellphone ko at sumadal sa may pader.

♪♪You're my dream girl
Living in my dream world
I'm in love with you
Please don't wake me up
So please, don't wake me up.♪♪

Bigla ay kinanta ko ang linyang iyon at napangiwi pa dahil sa mensahe ng kanta.

"Ouch! Pain." I heard a girl chuckled, wearing a uniform pero hindi gaya ng uniporme ng school namin.

"Just a dream now huh? How sad." Nang aasar pa ang tinig nito habang maangas na umiinom ng gatorade.

"It is just a song lady, would you mind, minding your own business? Chismosa ka?" Sabi ko.

She raised her brow.

"Just a song huh? Just a song but you can relate, sana kapag natulog ka mamayang gabi ay huwag ka na ngang magising talaga para kahit man lang sa panaginip mo ay mapasayo ang babaeng pinapangarap mo, kawawang nilalang." Aniya.

I smirked.

Wala pa akong nakilalang ganitong babaeng napakaangas gaya ng ate, mama at lola ko kung sumagot buong buhay ko, ngayon lamang.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now