CHAPTER 52

505 41 64
                                    

[Leighra's Pov]

“So congratulations everyone for the job well done, ang gagaling ninyo.” Sabi ng Practical Research teacher namin.

She congratulate us for having an excellent performance and grades.

“So, maipapahinga pa niniyo ang mga sarili niyo bago ang final examination, gaya ng laging ginagawa sa seniors ay nagkakaroon ng Field trip.” Aniya dahilan para mapapalakpak ang lahat dahil sa tuwa.

Nabanggit na ito last week pero ngayon ko na ididiscuss ang do's and don'ts, what to bring and not. Alam ko namang alam niyo na ang mga ito dahil last year at noong grade 10 kayo ay mayroong field trip.” Aniya.

Pinakakailangan sa lahat siyempre ay ang mga gamit ninyo but, dalhin niyo lang ang kailangang dalhin, huwag niyong ilagay sa bagahe lahat ng gamit ninyo na nasa aparador ninyo, baka mamaya niyan pati  kusina ninyo dalhin mo,sapat na kagamitan lamang ang dadalhin, maliwanag?” She asked na sinang ayunan namin.

“Hindi niyo magagamit ang cellphone niyo during the activity, sa hapon niyo lang mahahawakan.”

Madami pa siyang idiniscuss sa mga dapat at hindi dapat gawin, mga dapat at 'di dapat dalhin, maging mga guidelines.

“Ang pupuntahan natin ay Isla kaya kailangan nating maghanda sa huwebes ng hapon dahil malayo layo ang biyahe---”

I feel excited about the trip, makakapagpahinga na kami grabe.

“Lastly, don't forget your medicines and pocket moneys.” She lasted.

Sumang ayon naman kami hanggang sa nagpaalam na siya.

Halos Sabay sabay pa kaming napasandal sa aming mga upuan dahil makakahinga na kami, tapos na ang researches namin.

Exam na lang ang iisipin namin.

“How are you?”

“I'm fine, thank you.” Sagot ko kay Zero, lumingon naman ako sa kaniya, hindi na maganda agad ang tingin niya sa akin kaya natawa ako.

“Feel better, how about you?” I asked pero inirapan lang ako natawa naman ako at nalingunan si Lionela.

She's looking at us.

I mean to Zero, nang makita niya na nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas ng tingin at pinaglaruan ang ballpen niya.

Hindi ko na lang pinansin at dumukdok sa mesa ko.

“Baby--”

“Hindi ako gutom.”

“Sabi ko nga.” Aniya at nanahimik.

Alam kong magtatanong na naman 'to kung ano ang gusto kong kainin o nagugutom ba ako.

Nag-angat pa rin ako ng tingin tapos ay tumayo kaya napalingon siya sa akin patingala.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now