CHAPTER 14

539 48 37
                                    

Balak ko sanang sa Feb. 22 ko ilalapag dahil Birthday ko, hahahaha, kaso natempt ako kaya ayan, enjoy reading Kayamanan.

[Leighra's Pov]

Days had passed and heto, okay na ang kamay ko, maayos na, pwede ng manapak ulit.

Pwede na ding mahampas ulit.

At dahil sabado ngayon at araw ng kaarawan ni Harvey ay heto naghahanda ang lahat para sa kaarawan niya mamaya.

Pinasok pa ako sa kwarto niyan kanina ng napakaaga para sabihing gising na ako dahil birthday niya.

Okay na sana na ginising ako, ang kaso ay dinaganan pa ako ng lintik!

Hindi din pumasok sina mommy at daddy ngayon dahil kaarawan niya, dahil gusto nilang magcelebarate ng buo kami.

"Mommy, daddy, I invite all my Classmates." Sabi niya habang kumakain kami ng umagahan.

Ngumiti naman si mommy.

"No worries, its okay." Sabi ni daddy.

"Pati po mga teachers mommy at mga close friend ko sa iba't ibang level, pati----"

"Sana inimbita mo na ang lahat ng tao dito sa Pilipinas, nahiya ka pa." Sabi ko.

Natawa naman sila mommy.

"Manahimik ka nga, ikaw nga hindi invited kaya lumayas ka mamaya." Sabi niya.

"Walang problema, ako nalang din gagamit sa hinihiling mong sapatos."

"Joke lang, pwede ba namang wala ka do'n? Ikaw kaya ang isa sa pinakamahalaga doon." Sabi niya kaya nginisian ko lang siya at kumain.

"Nagmana nga silang dalawa sa 'yo." Sabi ni daddy at kay mommy nakatingin.

"No!" Agad na atungal ni Harvey.

"No ka diyan! Masiyado kang malikot, childish ano." Sabi ko.

Ngumuso naman siya.

"Dapat kay daddy ako eh." Aniya.

Natawa naman sila mommy at daddy.

Harvey admired daddy so much. He idolized him and imitate him sometimes but always ended being a childish and naughty man.

Kung meron man daw siyang namana ay ang pagiging pasensyoso nito at pagiging maunawain sabi ni mommy.

Madalas namin pinapakwento nina mommy at daddy ang love story nila na kahit paulit ulit ay hindi kami nagsasawa.

Ang ganda ng simula.

I salute my mom for waiting my father in 10 years without any clue if my father is still alive or not.

Madalas ay napupunta ang kwento sa mga kalokohan ni mommy na mayabang lamang na sinasang ayunan ni mommy o hindi kaya ay tatawanan at dadagdagan pa.

Hindi naman siya proud na tarantado siya noon ano?

"Pupunta crush ko mamaya mommy, daddy, ituturo ko sa inyo." Sabi niya at ngumiti pa.

Ngumiti naman sina mommy ng may pang aasar at inosente lang na nakangiti ang kapatid ko sa kanila.

Napailing nalang ako at sumubo ulit ng pagkain.

"Inaya mo ba si Alfie?" Biglang tanong ni daddy.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now