CHAPTER 6

648 51 51
                                    

Dedicated to EUNICE_NW

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Pumunta nga ako ng opisina at ayun, nandoon ang dalawang estudyanteng nagfinggeran sa CR ng SH Department kanina, si Harvey at ang nakasapakan niya.

Sinenyasan ako ni Dean na sa opisina niya ako dederetso kaya sumunod nalang ako.

Mula dito at makikita mo sila sa labas but you can't hear them. They can't hear you either.

Hinaplos ko ang pisngi ko dahil sa hapdi at ang bigat na din.

"Aray!" Pabulong kong daing nang mapindot ko ang pisngi ko na nasapak.

Nakita ko pa kung paano magkamot sa ulo si Dean sa inis habang kausap ang dalawang junior na nahuli ko sa CR ng Senior Highschool.

Napasinghap nalang ako at yumuko sa mesa ni Dean at ipinikit ang mga mata ko.

Pero mabigat parin ang pisngi ko.

Limang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatuwid ako at nilingon ang pumasok.

Si Quim na sapo sapo ang ilong gamit ang tissue.

Napangsi ako.

"Bagay na ata sa 'yong malagyan ng bulak sa ilong ah." Sabi ko.

"Fuck you!" Mahinang sambit niya at titig na titig sa akin ng masama.

Pasalampak siyang umupo sa couch habang nakahawak parin sa ilong.

Mukang tanga.

Ilang sandali pa ay pumasok si Dean.

"Anong issue mo Ms. Quim Ortega?" Tanong ni dean kay Quim.

"I just want to report President Aragon Dean for kicking me in my face." Sabi niya.

Inosente naman akong tumingin sa kaniya at kay Dean.

Napahilamos si Dean sa muka niya.

"Hivary?" Sambit niya sa pangalan ko ng patanong at sa paraang 'yon ay hinihingi na ang eksplenasyon ko sa ginawa ko kay Quim.

"Napuno lang ako Dean, pasensya na." Sabi ko nalang at hindi ko na binanggit ang pagsampal niya sa akin.

"You should know how to hold your temper Iha, paano kung nabalian ng buto ang ilong niya?" Dean asked.

"Okay lang Dean, papagamot ko kay mommy." Sabi ko na ikina iling niya.

And Quim glared at me.

"Dean, hindi na po tama 'yan, dapat sinisibak na 'yan sa pwesto dahil sa kalupitan niya. Kung umasta kasi Dean parang kaaway kami."

"What our school need is a good model as a President hindi po 'yong ganiyan na siya mismo ang nananakit. Believe me, hindi lang ako ang saksi sa pinaggagagawa niya." Sabi ni Quim.

Kampante lang akong pinagmamasdan ang kuko kong malinis naman at nangulangot sa harapan nila at ipinitik sa kung saan ang kulangot ko.

Nakita ko ang pandidiri sa muka ni Quim at pagkadisgusto kay Dean.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now