CHAPTER 9

546 48 37
                                    

PS: Brutal scene, vulgar words and languages ahead.

[Leighra's Pov]

Lunes na ngayon, yesterday ay talaga namang pahirapan ako sa paghawak ng bagay.

I told mommy, what happened and asked her not to tell daddy kasi paniguradong magagalit siya sa akin.

Kaya naman ginamot ni mommy ang kamay ko, medyo masakit pa ngayon, pero kahit pa man ganoon ay papasok parin ako.

Naglakad na ako papasok ng campus at isang Sullivan ang bumungad na gaya ng kamakailan lang na sinita ko itong naninigarilyo at nakasandal pa sa pader.

Sa inis ko ay sinampal ko ang muka niya at hindi ininda ang hapdi ng pagkakapaso ng sigarilyo sa kamay ko.

"Aray! Put#%##&#!" Isang malutong na mura pinakawalan niya habang sapo ang ilong at bibig at mangiyak ngiyak pang nakatingin sa akin kahit na matalim ang pagkakatitig.

"Lumayas ka dito!" Sigaw ko at itinuturo pa ang building na dapat niyang puntahan.

I saw how he clench his fist and gritted his teeth, the reason why his jaw was emphasized.

At umalis na lamang.

"Tsk, tsk, tsk, tsk, ibang klase talaga ang bangis ng isang Leighra Hivary Medina Aragon." Iiling iling na sabi ng bruhang Quim habang maarteng nakacross arm.

"Ganiyan ba ang Presidenteng tumatayo dito sa Val. Intern?" Nang iinsultong sabi niya.

"You think, ano ang mararamdaman ng mga estudyanteng sinasaktan mo para mapatigil mo huh?"

"Hindi ko din alam eh, halika at subukan ko sa 'yo, tapos tanungin kita kung ano ang pakiramdam,para sa susunod na may magtanong ay alam ko ang sagot." Pamimilosopo ko kaya naman nawala ang ngisi niya at napalitan ng masamang tingin.

"Ginagago mo ba ako?!" Inis na sabi niya.

"Hindi naman, sadiyang nakakagago ka lang." Sabi ko at nilagpasan siya ngunit hinila niya ang buhok ko.

Hindi naman ganoon kalakas! At dahil OA ako.

"ARAYY!" Sigaw niya nang paikutin ko ng ilang beses ang buhok niya sa mga daliri ko at sagad sagad ang pagsabunot.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakagaling sa 'yo Quim ha, huwag kalabanin ang idolo." Sabi ko sa kaniya.

"Fuck you! I've never idolized you!?" She shouted.

"Then stop being insecure, bubutasan ko bunbunan mo." Sabi ko at itinulak siya dahilan para sumalampak siya sa batuhan.

Nilagpasan ko na siya at naglakad papuntang opisina.

Kinuha ang students record notebook at sinimulang naglibot para makita kung ano ang nangyayari sa bawat sulok ng paaralan.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na natakot sa akin ang mga estudyante na maging ang pagchichismisan nila ay natigil nang makita nila akong dadaan at lumayo pa.

Napasinghal nalang ako at nagpatuloy sa paglilibot.

"Akala ko ba mahal mo ako?"

"Sorry, siya ang mahal ko eh."

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Where stories live. Discover now