CHAPTER 45

548 47 38
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Zero's Pov]

Now that Leighra is awake, hindi pa rin makausap, nakatulala lang siya sa kung saan.

"He's your brother?" tanong ni Doc. Medina.

"Yes po." I answered, pertaining to Alfie na hindi pa nagigising.

"He needs an operation, this one will cost to much ---"

"Pagtatrabahuan ko po, para lang po mabuhay siya." Sabi ko at yumuko.

He purse his lips in amusement.

"We will do everything about it hijo." Sabi niya habang may pinipirmahan siya.

Pinaalalahanan niya ako sa mga bawal kay Alfie at pinakinggan ko naman iyon lahat ng mabuti, para alam ko ang sasabihin ko sa kaniya.

"Ako na." Bigla ay sumulpot si tita Harra.

Tinaasan siya ng kilay ni Doc Henry.

"I am going to shoulder everything." Aniya pero nakataas pa rin ang kilay ng kuya niya.

"In his family." Dagdag niya.

"Okay then, I know you can handle it baby." Sabi at humalik sa noo ni tita na ikinasimangot niya.

"Stop babying me, I'm 46, for pete's sake!" Atungal ni tita.

"Still my baby." Sabi ni Doc Henry at kumindat bago umalis.

Tita Harra mocked what he said without sounds and made a face like a kid, looked so annoyed.

Gusto kong tumawa pero nginiti ko na lang, baka may masabi.

Hinarap niya ako ulit at ipinaliwanag ang dapat at hindi dapat.

"Kidney transplant is surgery to place a healthy kidney from a person who has just died, or from a living person, into his body to filter his blood." Aniya.

"So kailangan po talaga ng operasyon tita?" I asked.

"Yes hijo, as I checked him earlier, both kidneys are damaged. I don't want him to eat tablets or any medicine to intake so much dahil isa iyon sa nagca-cause ng kidney failure." Paliwanag niya.

"So as much as possible, if kaya niyo pa namang idaan sa pahinga o tulog ang sakit niyo, like sakit sa ulo, muscle pains, coughs something like that, just drink water, lots of water hanggat kaya pa." Aniya.

"Or dapat nga din ay more on water kayo, especially sa 'yo, nagtatrabaho ka. You need to be strong." Sabi niya.

"How much tita, if ever we can find some donor for his kidneys and the transplant, surely this may cost so much." Pag-aalangan ko.

"Siyempre, mahal talaga hijo, but I will help you na lumapit sa Foundation ng Valdez and Medina para sa ganiyan." Sabi niya.

I am so much thankful for having tita and her family. They're helping me.

Wala pa ngang donor si mama, ihahanapan ko na naman si Alfie.

Nag-usap pa kami ni tita bago siya nagpaalam na umalis muna, tinanong ko naman kung pwede ko bang puntahan si Leighra, mabuti at sinabing okay na.

"Pakiuwi na din siya sa bahay hijo kung okay na siya mamaya at doon na siya magpahinga." Aniya bago umalis, hindi hinintay ang pagsang-ayon ko.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon