CHAPTER 16

546 50 43
                                    

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

Enjoy my 3sures, sorry natagalan.

[Leighra's Pov]

Ano bang meron sa araw na ito at masiyado atang abala ang mga guro ngayon?

Hindi na sila nakakapasok sa mga klaseng pagtuturuan nila.

Even the SSC officers.

Kanina pa wala ang tatlong pinsan ko.

Ano kaya ang pinagkakaabalahan ng mga ito at hindi na pumapasok?

May nireresolba siguro ang mga ito na kayhirap nga namang ayusin.

Sa boring ko ay nagbuklat ako ng notes ko at nagbasa na lamang, kesa sayangin ko ang oras ko sa pagtutunganga dito.

"Are you bored?" Alfie asked.

"No, I'm Leighra." Seryosong sagot ko ng hindi lumingon sa kaniya at sa notebook lang ang aking tingin.

Narinig ko ang pagtikhim niya.

"I mean---"

"Shut up Alfie, can't you see? I'm reading." Sabi ko.

"Sorry." Paghingi niya ng paumanhin.

"Tinatanong ko lang naman kung naboboring ka eh." Sabi nito ngunit hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lamang sa pagbabasa ng mga aralin.

"Punta ako sa canteen--"

"Wala akong pake, kahit doon ka na tumira." Tirada ko agad.

"I just want to ask, if you want anything and I'll buy it for you."

"If there is something I want to ask to you, isang pabor nalang." Sabi ko at tumingin sa kaniya.

"Ano?" Tanong nito.

"Maaari bang manahimik ka nalang at huwag tanong ng tanong?" Ani ko.

Bumuntong hininga naman ito.

"Sinusubukan ko lang namang---"

"Stop trying then. I am so sick and tired of you." Deretsong sabi ko.

"Ako na ang nagsasabi Alfie, tigilan mo na ang pagpapakatanga, huwag ka na ding umasa pa. Dahil pati ako ay napapagod ng pigilan at patigilin ka." Sabi ko sa kaniya.

"If you are tired of stopping me, hayaan mo nalang akong bumawi. If it is not enough, I won't get tired of trying hanggang sa makuha ko ulit ang tiwala mo, please naman oh."

Nagtiim bagang ako.

"Ang sarap mong basagin sa bungo, nakakasawa kang pagsabihan." Sabi ko at isinilid ang aking kagamitan at umalis ng classroom.

Wala din naman kaming ginagawa, baka mapudpod lang ang pwet ko kakaupo sa upuan ko.

Pagdating ko sa third floor ay nagkakagulo ang mga Eleventh grade.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at hindi na pinagtuunan iyon na pansin at agtuloy tuloy sa paglalakad papuntang canteen.

Sakto namang nakaramdam ako ng gutom.

NAUGHTY MATE: TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon