Chapter 39

35.4K 710 185
                                    

Chapter 39

Start Over



Paglabas ko ng bahay nakaparada na kaagad ang isang itim na sports car sa harap namin. I'm not stupid to not know who owns it. E, araw araw ko 'yang nakikita sa basement ng hospital.

Lumabas si Xydon sa sasakyan suot lamang ang isang puting long sleeve na nakatupi ang manggas hanggang siko niya. It was tucked in his black pants. Bukas ang tatlong butones at kita ang kaunting hubog ng kan'yang dibdib. Looking fresh, he walked near me.

Inunahan ko s'yang magsalita.

"I have some errands to do. Hindi ako libre ngayon. Hindi ako sasama," sunod sunod kong sabi.

Wala yata siyang pasok ngayon dahil hindi pormal ang pagkakaayos ng kan'yang buhok. Just like his usual hair when we were still together.

"I just need an hour of your time."

"Mahalaga ang oras ko, Xydon," diin ko sa kan'ya.

His eyes looked doubtful. "You won't go to Hospital today, right? Isang oras lang, Uoiea..."

Hindi ko na tinanong kung paano niya nalaman na wala akong duty ngayon. Bibisita lang ako sa hospital para idala ang mga folders, pagkatapos no'n ay wala na. Dipende na lang kung may utos pa sa akin.

"Don't you have work?" taas ang kilay ko. "Parang ang dami mong oras palagi."

One lick to his lower lip before he smirked. "I am a busy man, but for you I'm clearing my schedules."

I masked up my flattery. Hindi ako nag-iwas ng tingin para makumbinsi siya na hindi naman ako apektado. He was still not convinced, tho. Did I lack conviction?

"Bakit parang kasalanan ko? I'm not telling you to clear your schedules for me."

I looked at my watch to make it seem like I was in a rush. Ang hirap kasi na kumbinsihin siya. His smirk is telling me he doesn't believe in me!

"It's my choice. Please? One hour lang..."

I crossed my arms. "Saan ba? May dadalhin pa ako sa hospital..."

Lumiliwanag ang mukha niya. Wala pa namang araw sa oras na 'to pero parang nasikatan na siya.

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag na isang sasakyan na lang ang gamitin namin. We used his car and I was silent. Inaabala ko ang sarili ko gamit ang cellphone ko. Marami rin kasing emails sa phone ko. Gumagawa na rin ako ng schedule para wala akong makaligtaan.

"Titig pa," sabi ko nang hindi na mapigilan ang sarili. I looked at him. "May problema ka ba sa akin?"

He chuckled. "Bawal ba?" he asked and focused on the road.

Hindi na ako umimik. Parang masyado na siyang nagiging komportable, magkaibigan lang naman kami. Baka kung anong isipin niya. Napailing tuloy ako nang wala sa oras.

Hindi na siya sumama sa loob ng hospital. Mapilit pa siya kanina, pero sinunod din naman ang gusto ko na maghintay na lang siya sa basement. Naibigay ko na ang folders kay Dra. Remigio at sumilip din ako sa opisina namin. Nandoon si Jaya na may shift sa araw na 'to.

"Mag-isa mo?" I asked.

Umirap siya. "Sabihin mo lang kung may nakikita kang iba at tatakbo na ako palabas," aniya.

Natawa ako. "Nandito si Dwieya..." Hindi na ako naupo. "Alis na rin ako. Tinignan ko lang kung sinong nandito..."

"Akala mo hindi ko alam na kasama mo si Xydon ngayon?" may bahid ng pang-aasar ang tono niya.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now