Chapter 4

26K 871 805
                                    

Chapter 4

Kiss


"Ako na kasi sa bag mo." Hinablot ni Vier sa akin ang bag niya ng walang pag-iingat. I even felt my fingers ached.

"Sige na nga," tanging nasabi ko.

Papasok lang naman kasi sa gymnasium kailangan pang siya ang magbuhat ng aking bag. Katatapos ko lang din mag training. Dito ako dumiretso dahil aniya'y sabay kaming uuwi.

Pagpasok namin, naabutan ko ang mapagmatyag na mga mata ng teammates niya. Eyes like eagles, their eyes never stopped wandering on us. Some were smirking like they're so proud of Vier. Ano'ng mayroon?

"Upo ka na muna rito. May gusto ka ba? Ibibili kita..."

Umiling kaagad ako. Marami akong gustong kainin ngayon pero nahihiya ako.

"Ayos na ako rito. Balik ka na roon, hinihintay ka na yata."

Kanina pa kasi nakatitig ang mga basketball players. Hindi ako komportable.

"Ayos lang. Sigurado ka ba? You don't want anything? I'll really buy what you want if ever you have, wala pa naman si coach— may kausap pa sa labas."

I waved my hand as a sign of nothing.

"Wala talaga, Vier. May snacks din ako sa bag ko. Binili nina Jaya kanina..."

"Sigurado ka, a? Babalik na ako sa baba..."

Tumawa ako at binaba ang bow ko sa kaung tabi. "Totoo nga! You can now go there. Kulit mo."

He chuckled and nodded. He pinched my nose before he went back to the court. Naki high five siya sa mga kaibigan niya bago sila tuluyang bumalik sa pag eensayo. Malapit na kasi ang inter-high. Next week na.

Sa katunayan nga ay pagod ako. Gusto ko na ngang sumabay kina Jaya kanina, kaso mapilit si Vier. He wanted me to stay and wait for him.

I was eating the food gave by Jaya while replying to my Mom. Naka Indian sit ako habang hawak ang aking cellphone.

Fr: Mama mo

Anong oras na, Ishan. Wala ka pa raw sa bahay sabi ni Manang Ester.

I typed for a reply. I wasn't bothered since the happens a lot of time. Napagsasabihan lang ako, pero hindi napapagalitan.

To: Mama mo

10:37 na po. Wala ka bang relo ngayon, My?

I chuckled at my own reply. Nagnakaw ako ng tingin kay Vier at nahuli ko siyang nakatitig. I smiled, trying to hide how excited I was. Binalik ko na ang atensyon ko sa aking cellphone. He was still staring. Parang ang lalim ng iniisip.

Fr: Mama mo

Hindi ako nakikipagbiruan, Ishan. Gusto mo ba'ng ipasundo na kita? May night shift ako, Anak. Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?

I sighed. The perks of being an only child. I like the protectiveness, tho. Kaysa naman hindi inaalagaan at walang pakialam, hindi ba?

To: Mama mo

Kasama ko po si Vier. I'll get home safe. I promise. I love youuuuu. Mwuah! Tsupa tsupa.

Hindi ko napigilan ang tawa ko nang mai-send ko iyon. It was supposed to be tsup tsup! Pero dahil sa auto correct, naging tsupa tsupa.

Fr: Mama mo

Anong tsupa tsupa, Uoiea Ishan? 'Yan ang natututunan mo riyan sa Taranvier na 'yan? Jusq ha!

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon