Chapter 12

25.8K 827 322
                                    

Chapter 12

Playful


"Hindi na pala kami matutuloy riyan, Weya. Masakit ang ulo naming tatlo," palusot ni Jaya nang tawagan ko kung nasaan na sila.

Pinapanood ako ni Xydon habang nagluluto siya ng tanghalian namin. Hindi siya umuwi kahit kanina ko pa pinapaalis ng bahay. Nagpadala siya ng mga damit niya sa kan'yang bodyguard, at hindi ko alam kung hanggang kailangan siya rito.

"Punta na kayo! Wala akong magawa rito. Palagi naman kayong pumupunta kapag may sakit ako, a?" demanding kong sabi.

Alam ko na nagpapalusot lang sila! Sumakit ang ulo nila nang sabay-sabay?! Ano 'yan, kambal tuko silang tatlo? Magkakadikit ang ulo? At saka, kanina lang nila sinabi na on the way na sila!

"Masakit nga ang ulo namin, Weya- aray, shit, ang ulo ko..." she acted! Like I would buy it! Kilalang kilala ko na sila.

"Nakakainis kayo..." sabi ko at pinutol na ang linya. Padabog kong binagsak ang mga braso ko sa countertop.

Hindi ako umiimik kahit ramdam ko ang walang kapaguran na titig sa akin ni Xydon. Hindi na ako naiilang, nasanay na yata ako dahil hindi rin naman siya mapigil!

"Sinabi mo ba sa kanila?" Inis na inis ang aking tono.

Kumunot ang noo niya, feeling inosente. "Anong sinabi? Ano naman ang sasabihin ko?" Hawak niya ang sandok.

"Na nandito ka?"

Umiling siya. "I'm not closed with your friends. I'm not someone who will spread something special to me. What are you expecting? Jaya, nandito ako sa bahay nila Uoiea, huwag muna kayong pumunta, salamat. Gano'n?"

Kahit iritado ay natawa ako sa sinabi niya. He's got a point, alright! He laughed, too, like he was so proud he made me laugh today. Kanina pa kasi niya ako iniinis tungkol sa selos-delos na 'yon. Hindi maka-move on.

"Kumain ka muna," aniya nang may dina-dial ako sa aking cellphone.

"Shh!" I shut him up while my phone is ringing.

"Uoiea, lalamig na-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil sinagot na ni Mommy ang tawag.

"Mommy!" bungad ko.

"How are you now? I'm kinda busy today, I'm sorry. Tinatanong naman kita kay Xydon."

Napairap ako. "Pwede mo naman akong tanungin, bakit siya pa? At ikaw ba ang nagsabi sa mga kaibigan ko na nandito siya?"

"Ha?!" she tried to slip, but just decided to tell the truth. "Uh, yes. Nadulas ako, 'Nak..."

I groaned and Xydon chuckled. "Anong nadulas, My? Pwede ba 'yon?" naiinis kong tanong.

Nagbabadya ang galit ko. Alam kong gustong-gusto ng mga kaibigan ko na dumalaw, at pupunta ang mga iyon kahit alam nila na nandito siya. Alam ko na pinakiusapan lang sila ni Mommy na huwag na lang tumuloy. Nakakahiya 'yon, at napakasama!

"Pwede 'yon, Uoiea... Alagaan mo ang sarili mo riyan. Don't stress yourself. I'll check on you later. Have fun."

"Mommy- hay punyeta," lumabas sa bibig ko nang basta na lang pinatay ang tawag. "Atat na atat patayin. Wala man lang take care and I love you!" puna ko habang busangot ang mukha.

Natatawa na lang si Xydon sa akin. "Stop being grumpy, Uoiea... Just eat your lunch, nandito naman ako."

I glared at him and his grin just grew wilder. "Iyon nga, e! Nandito ka!" sabi ko.

Humalakhak siya. "Hindi na kita aasarin, okay? Kumain ka na..."

"Akala mo talaga totoo!" sabi ko sa mukha niya at sinunod na lang ang utos niya, tutal ay nagugutom na rin naman ako.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now