Chapter 25

22.7K 792 543
                                    

Chapter 25

Tearing Up



I feel like Xydon was just masking up his real expressions. Kahit kung saan saan na kami namasyal, alam kong kailanman ay hindi naging buo ang saya sa puso namin. Sadness is always consuming spots in our hearts. And it's inevitable.

"Siomai? Hanap tayo?" nanunuyo nitong tanong habang naghahanap ng parking area.

"Sige..." tipid kong tugon.

Palagi siyang nakangiti, malapad pa nga, pero sa tuwing nahuhuli ko naman siyang mag-isa, nakapinta sa kaniyang mukha ang kalungkutan na nagbababad sa loob niya.

It's getting closer- ang pag-alis niya. Wala ng extension. Malapit na pero hinfi pa rin ako handa sa bagong setup.

"Hey... Hindi ba masarap?" he bluntly asked while we were eating siomai and other food that were served on our table. "Lipat tayo?"

Umiling ako at sumubo ng siomai. "It's good. May iniisip lang naman ako..." sagot ko matapos nguyain ang pagkain.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "Anong iniisip mo? May problema ka ba sa daddy mo?" That was delivered innocently.

Umiling ako. "Wala na akong problema sa kaniya kasi hindi naman na kami nagka-usap pa..."

May dumaan na galit sa kaniyang mga mata pero sandali lang 'yon. "Ano'ng problema mo kung gano'n?"

I sighed. "Hindi naman problema," sabi ko kahit para sa akin ay problema nga.

"What is it?" tanong niya at naglagay pa ng pagkain sa aking plato. Dahil sa paggalaw niya ay mas lalong nabandera ang hubog niyang dibdib dahil sa ilang bukas niyang butones.

"Pagsasabihan m na naman ako kapag sinabi ko sa'yo."

Sa sinabi ko, alam ko na kaagad na nakuha niya na kung ano'ng tumatakbo sa isip ko.

"Two weeks pa naan. Stop thinking about it."

Agaw pansin ang pagbaba ng tono niya. Nag-iwas din siya ng tingin at inabala ang sarili sa pagkain. Nang mapansing hindi ako gumagalaw ay nilingon niya ako at saka ngumiti. Malapad at matamis na ngiti. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mo na wala in siyang dinadalang mabigat na bagay sa puso niya, pero ang totoo, apektado siya. Sobra.

"Eat a lot. We'll make pots later," aniya.

May scheduled activity kasi kami. Gagawa kami ng mga paso. May napanood kaming vlog kagabi, at pakiramdam ko naglakbay ang inggit sa kan'ya kaya naisipang gawin din 'yon.

Tumango ako at kumain na lang. Maybe faking his feelings is his own coping mechanism to flaunt he's all good and unaffected. Para mahawa ako, o 'di kaya'y para gumaan ang pakiramdam ko. Kasi kung makikita ko rin kung gaano siya naapektuhan, dadagdag lang 'yon sa nararamdaman ko.

We've been in many places, and so far, everything is happening according to what we've planned. He wanted us to go in Paris again but I was the one who refused. Gusto ko rin naman, pero mas magandang dito na lang. Madami rin namang magagandang lugar dito.

Katatapos naming mag-snorkeling. Xydon was taking a shower when I went out our hotel room. I went straight to the shore, carrying his camera. Pinahiram siya ni Ate Rhione para raw mas maganda ang quality ng pictures namin. Iyon nga lang, wala kaming photographer kaya karamihan ng pictures ay solo.

One time, pinatong namin sa nakahigang niyog ang camera, hayun nahulog. Tumawa na lang kami at hindi na nakapag-picture pa.

The sun already rested below the horizon. The fresh gust of wind was making me relaxed. Tinapat ko ang camera sa tahimik na dagat at kumuha ng litrato. Nawili ako sa pagkuha sa kung ano anong bagay hanggang sa tumapat ito sa pinakagwapong lalaki na nakilala ko.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now