Chapter 33

27.2K 748 461
                                    

Chapter 33

Apology



Pinunasan ko ulit ang bibig ni Rios. Pinipigilan ko ang sarili ko pero hindi ko kaya. Nakakalimutan ko na nandito ang Mommy niya, at si Rhione 'yon...

This situation is really unexpected. Hinding-hindi ko naisip na kakain kami sa isang lamesa... kasama ang kapatid ng ex fiance ko.

"Didn't know you're working in that Hospital," aniya at nagpunas ng kan'yang bibig. She looks so relaxed... and a changed version of Ate Rhione.

"Uh, doon din nagtatrabaho ang Mommy ko... Hospital din ng Tita ko," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

We are silent most of the time. Si Rios ang madalas kong nakakausap dahil ang daming sinasabi sa akin. I don't know why he liked me easily.

"You look like the girl in my Tito's wallet..." he blurted out, shutting my mouth up.

My lips twisted and chuckled awkwardly. Tumawa rin siya habang nakangiti at may hawak na kutsara. Hawig niya si Rhione, pero palagay ko mas kamukha niya ang Daddy niya. Hindi ko pa nga lang nakikita...

"Rios!" madiin na banta ng Mommy niya.

"Why? It's true, Mommy---"

"Just eat, Rios!" Mahina lang ang boses ni Ate Rhione pero nakakatakot.

Rios glared at her and just started eating. Mabilis din naman itong ngumiti nang lingunin ako at kinain na ang kan'yang siomai. He likes siomai, too.

"I'm sorry about that, Weya..." Nakaguhit ang kahihiyan sa mukha ni Ate Rhione. Namumula ang kan'yang pisngi nang nag-iwas ng tingin.

Sa likod naman ng isip ko, baka kamukha ko lang ang babae na 'yon. O kaya siguro matagal na 'yon. Nagbabago naman ang mga bagay kasabay ng takbo ng oras.

"I'm really sorry, Weya... Nasa US pa kasi ang Daddy ni Rios. He's only scared of his Daddy."

Hiyang hiya na si Ate Rhione sa akin dahil nagpasama pa si Rios na bumili ng laruan sa Toy Kingdom.

"Ayos lang," I chuckled and focused on Rios who's asking what toy is better.

My heart feels soft with his hand on my fingers. Hindi niya binibitawan ang mga 'yon. Rios is a sweet young man. He's a Montevinski and his almost perfect outlook is already expected. Mayroon nga lang siyang kakaibang features dahil half australian daw ang Daddy niya...

"I know it's already too late to apologize. I'm sorry about what happened before. Iyong messages mo... I really didn't see it quickly."

Naglalakad na kami papunta sa parking lot nang simulan niya 'yong sabihin. Bumuntong hininga ako dahil wala naman na 'yon sa akin. Dati, iniisip ko na malaki sana ang nagbago kung binigyan niya 'yon kaagad ng pansin, o nasabi kaagad kay Xydon... Pero wala rin sigurong mangyayari, dahil sarado naman ang utak niya noon.

"When I heard you cheated... I was disappointed and mad at you so I kept your messages only to myself. Until I heard the news about the assault."

Kumunot ang noo ko dahil hindi naman nag-file ng case kay Vier kaya bakit kakalat... Nabasa niya ang tanong sa aking mukha.

"Demi's boyfriend is Zoren's friend... Nakwento niya noong anniversary nina Kesian," paliwanag niya at kinuha ang kamay ni Rios dahil akala ay tatakbo, 'yon pala ay lumukso lang.

Tumango ako. Mas maganda na sigurong nalaman nila ang totoo para alam nilang hindi ako nagloko. Nakakapagod din kasing isipin na masama ka sa mata ng ibang tao, kahit pa sabihin mo na wala ka ng pakialam sa kanila.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon