Chapter 22

23.2K 637 201
                                    

Chapter 22

Disappointed



My debut was filled with beautiful memories I sure know I'm gonna carry with me until I vanish in time. It was the best birthday of mine as of the moment.

Nagkaroon ako ng isang after party sa mini bar ng hotel. Biglaan pero nagawan naman ng paraan. Hindi ko alam kung paano nagawa ni Xydon na gawin 'yong pribado. Gusto ko sanang pag-usapan namin, kaso ayaw ko namang masira ang gabi.

Sobrang dami ulit realizations na pumasok sa isip ko.

To be honest, naghintay pa rin ako sa greeting sa akin ni Daddy, pero 'yon nga... wala hanggang matapos na ang birthday ko. I know he was true to his words when he wanted me to cut ties with Xydon. I know, but I still couldn't process that he could actually make it real.

It might sound bad, but I realized that there will come a time when people you don't share the same blood with will weigh more than those people you share blood with.

I'm not saying this because I am hurting, rather because that was what my heart felt throughout.

Pero hindi pa rin naman nawala sa akin ang mga tanong ko. Kung bakit gano'n ako itrato gayong purong anak naman ako. Why is there a need to have distance between us. Bakit... ang hirap para sa kanyang mahalin ako. What did I do bad to make him feel long-lived disappointment for me. At sana makuha ko ang mga kasagutan pagdating ng panahon. Kasi sa totoo lang, ang hirap-hirap mabuhay sa mga tanong na hindi mo masagot.

I thought college would be fun, but I was wrong. Nakaka stress pala! Sobrang hectic din ng schedule ko at much broader ba ang topics namin. Somehow, I realized that senior high school programs are still helpful as preparation.

Nakatitig ako sa bintana kung saan nag-uunahan ang mga patak ng ulan pababa. Nawiwili ako dahil parang nagr-race sila. Nilunod ko lang ang sarili ko tungkol sa future habang hinihintay na matapos ang ilang kaklase sa surprise quiz namin.

"Bye! See you! Sa bahay bukas!" I said and waved my hand.

Bumusina naman si Jaya at Demi. May sariling sasakyan na ngayon si Demi. Si Anikka naman ay nakikisabay pa rin kay Jaya dahil hindi naman siya ang priority ng Mommy niya kundi ang pangalawa nitong pamilya. Ganoon din ang Daddy niya. Ako naman, kay Xydon pa rin.

Sinalubong niya ako ng halik sa pisngi. "How's it going?" na nasundan ng tawa dahil sa pag make face ko.

"Ewan ko! Minsan, ayos naman, madalas hindi!"

Tumawa siya at hinapit ako sa baywang at hinatid kaniyang sasakyan. He was holding my bag, too.

Hatid-sundo niya pa rin ako kahit graduating na siya. Sometimes, I'm telling him I can just ride with Jaya or Demi but he would never listen. Dahil sa inis, pinapalitan niya na lang kaagad ang topic.

Palabas na ng university nang makita ko si Daddy sa labas ng kanyang sasakyan. Our eyes locked since the window at my side was opened. Nanatili ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Parang pinipiga ang puso ko. I couldn't hide the fact that I still miss him. And that I'm still hoping time would change his mindset towards me.

Naramdaman ko ang kamay ni Xydon sa akin. Our fingers intertwined but our eyes didn't cross. Ramdam niya palagi ako. Parang iisa ang isip namin, samantalang ang hirap niya namang basahin minsan.

"You want to be a pediatrician, right?" he asked while we were watching the moon from his veranda. Sa kaniyang condo.

Tumango ako habang sakop niya mula sa likuran. Ang kahel na kalangitan ay agaw pansin sa aming harapan. Tama lang din ang taas ng condo unit niya kaya hindi ako gaanong natatakot. At isa pa, yakap niya naman ako mula sa likuran.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now