Chapter 7

24.8K 954 1K
                                    

Chapter 7

Run


Walang lumalapit sa amin ni Xydon sa mini bar. Kung mayroon man ay kukuha lang ng alak o kaya baso. Nasa loob kami ng counter. Nakaupo ako sa countertop samantalang nasa harap ko naman siya, nakaupo sa isang high stool.

Pakiramdam ko lasing na ako. Marami na rin akong naikwento sa kanya. Most of my stories were about my father. Kung gaano ako naapektuhan sa pagkawala niya sa aming buhay.

"It hurts so much! Wala siyang oras sa'kin, samantalang ako ang tunay na anak! Minsan gusto kong tanungin kung nagsisisi ba siya na ginawa niya ako, o ano!"

I can already hear the hoarseness in my voice.

He was just silent, staring at listening deeply. Hindi niya rin ako pinipigilan na uminom. He's actually drinking with me. Hindi nga lang kasing lakas ng pag-inom ko dahil ihahatid niya raw ako.

"When I... told him I won, he didn't congratulate me or anything... Pero nung natalo ako, ang dami niyang sinabi!"

Inubos ko ulit ang nasa baso ko. Binalik ko kaagad ang tingin ko sa kanya. His hair is messy now. Ginulo-gulo ko kasi kanina.

"I don't know why people don't wanna choose me," sabi ko at ngumuso na parang bata sa kanyang harap. "Am I lovely? Am I loveable?" I crouch a bit to eye him closely.

Tagos na tagos ang kanyang titig. I wanna get inside his eyes and wander what it feels to be in it.

"You're lovely, Uoiea... So lovely. Sobra sobra," he answered seriously and without tearing his eyes off me.

"I know!" halos pasigaw kong sabi. "Pero bakit ayaw sa akin ng mga tao, huhu."

I'm sad but I'd never cry. Because when you cry, people would only feel pity for you. I don't want that to happen to me.

"You don't have to run after them. Right people will keep on choosing you, no matter how flawed and messy you are..."

My eyes took longer entertaining him. I smiled after seconds of shrinking.

"I feel like you're matured to have a relationship. Bakit hanggang ngayon ay wala? No girlfriend since birth ka hindi ba?"

I decided to change the topic. Ayaw ko na ng puro sakit. Hindi naman nakakatulong kung ilulublob ko ang sarili ko sa kalungkutan. Papalungkutin ka lang ng kalungkutan. Hindi ba??

Pinasadahan niya ang kanyang labi. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang tagal niya sumagot.

"Yes, I've never had a girlfriend."

"Bakit? You're handsome, and you're rich. Kung tutuusin, mas madali sana ang lapit ng grasya sa'yo. Girls will flock on you like you're a very beneficial prey."

He cleared his throat and sighed. Parang problemado. Kita ko rin ang pagpula ng kan'yang tainga. Lasing na ba ito?

"May hinihintay akong grasya, Uoiea. And I don't care about other girls."

"Anong hinihintay mong grasya?"

Hindi niya nasagot 'yon dahil may sumubok na nagtawag sa kanya. Hindi niya inaanyayahan ang imbitasyon. Kanina pa siya na sa akin. Hindi na nga rin nakapalit ang mga kaibigan ko...

"By the way, alam mo ba na Grace sana ang magiging second name ko?" I laughed. "Siyempre, hindi mo alam!" I laughed harder. I'm insane.

His eyes twinkle for a moment. Tumaas din ang sulok ng kanyang labi.

"Grace... It suits you perfectly."

I shrugged. "Pero ayaw raw ni Daddy sabi ni Mommy ko. Maybe he doesn't see me as a grace in his life? What do you think?"

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now