Chapter 5

25.5K 853 1K
                                    

Chapter 5

Confession


I didn't see Xydon again after that encounter. Ang weird-weird niya kasi. Totoo ba na may gusto sa akin 'yon? Ayaw ko talaga sa college student. Third year na 'yon sa pagkakaalam ko, at kung magiging kami, nagtatrabaho na siya samantalang nag-aaral pa lang ako. Grabe, ang pangit tignan!

"Continue your performance, Villaceran. Pakiramdam ko may tsansang manalo ka this inter-high," puri sa akin ng coach namin bago mag lunch break.

Matamis akong ngumiti, sobrang honored.

"Hehe, palagay ko nga rin po..."

Some of the archers laughed. Palagay ko lang naman, pero malay natin matalo pala ako.

"Noon, distracted ka, ngayon naman parang inspired na inspired? Pwedeng paki explain?" salubong sa akin ni Jaya nang pumunta ako sa students' nook.

I chuckled and placed my things on the cemented benches.

"Hindi ako inspired, magaling lang talaga ako since birth," tugon ko at umupo na.

Wala silang ideya sa unang halik ko. Ayaw ko kasing sabihin sa kanila, at baka makatanggap ako ng tatlong sampal. Ayaw ko. Sino ba'ng may gusto?

"Siguro dahil na naman kay Vier 'yan."

Nagkibit-balikat ako sa suspetya ni Anikka. Hindi kami gaanong nagkakasama ni Vier ngayon. Tipid na nga rin siyang mag-reply kaya sa tingin ko ay hindi siya.

"Anong siguro? Sigurado!" si Demi na may boyfriend na. Hindi man lang pinahirapan 'yong Daryl. Daryl yata ang pangalan n'on.

Hindi na lang ako nagsalita. Ayos nga at hindi sila nagtatanong tungkol kay Vier ngayon. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko. Madalang na naman kaming lumabas ngayon.

Hindi ko alam kung dahil ba sa halik? We were fine after it. Ilang araw pagkatapos n'on, maayos naman kami. He was still sweet towards me. MAy mga bago nga siyang ginagawa sa akin. Kung ituring niya ako ay parang tunay niyang girlfriend.

Siguro ay busy lang siya ngayon? I am busy, too, for the upcoming inter-high. Nakikita ko pa rin naman siya since pareho kami ng eskwelahan na pinapasukan, kaso palagi n'yang kasama ang mga teammates niya kaya hindi ako makalapit...

Pagpasok ko sa canteen malapit sa field, parang gusto ko na lang bumalik sa matress ni Juana. Nakita ko si Cheonsa na bumibili nang mag-isa. Binalak kong pumihit pabalik kaso nagtagpo na ang mga mata namin.

I'm not mad at her or something. Nahihiya lang ako dahil nasaksihan niya ang unang halik ko. Pero bakit niya ba kasi kwinento sa kuya niya? Ang tanong, sa kuya niya lang kaya?

Umaarte akong hindi ko siya nakita, kaso naramdaman ko ang kalabit niya sa aking braso. Ngumiti ako nang hinarap siya. Sa likod ng ngiting 'yon ay sobrang bigat na kaba.

"Uy, hello..." bati ko.

Tipid itong ngumiti sa akin. "Can we talk?"

Tumango naman ako. Gusto ko sanang sabihin na nag-uusap na kami, kaso baka mainis.

"Uh, oo naman... Ano ba 'yon?"

She bit her lip and looked away. Nakuha niya ang mga mata niya sa kan'yang kuya. Cheonsa is the complete opposite of her sister, Rhione. Si Ate Rhione kasi ay madaldal, itong batang 'to ay tahimik at sobrang hinhin... yata.

"I want to talk to you privately."

Parang lumuwa ang mga mata ko nang marinig 'yon. Bakit ba ako kinakabahan? Para akong nahuling nanonood ng hentai kung makapag-react ako.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now