Chapter 35

39.2K 924 572
                                    

Chapter 35

Story


"Anong ginagawa mo rito?" ang lamig sa boses ko ay mistulang walang epekto sa kan'ya.

"Are you alright now? Nag-aalala ako-"

"Bakit kayo nandito? Nananadya ba kayo?" diretso ko. "H'wag mong idahilan na coincidence, Xydon... Maraming restaurant dito sa BGC."

Gusto ko na h'wag na lang siyang kausapin, pero unti unti na kasing nauubos ang pasensya ko sa kan'ya. Kung dati ay marami pang espasyo, ngayon ay malapit nang umapaw.

Truth to what he said, I could see concern in his eyes. Kaya ba siya narito? Kaya ba rito na lang nila piniling kumain? Kung gano'n man, wala akong pakialam. Ang gusto ko ay malayo sila sa aking paningin.

"Yes, Uoiea... I choose this restaurant because I know you're here."

Umismid ako. Hindi naman na ako nagulat.

"Hindi mo ba nakukuha na ayaw kitang makausap? Ayaw ko pang kausapin ka?" May bahid ng matinding inis ang boses ko. "Hanggang ngayon ba ay selfish ka pa rin?"

His tongue swiftly poked his inner cheek. Mabilis ding dumaan ang sakit at inis sa kaniyang mukha. He was affected by his past personality, huh? E, hanggang ngayon naman yata ay gano'n siya...

"If you still don't want to talk, I'm fine with it. I came here to check on you because I know you're clearly not fine..."

Ganitong ganito siya. Kalmado ang boses, sobrang haba ng pasensya sa akin. Kahit namamataan ko na ang pagiging impatient niya, pinipilit niya pa ring maging mahinahon.

"Kailan ba ako naging fine?" Akala ko ay sa isip ko lamang 'yon pero nagulat ako nang nasambit ko sa kan'ya.

It is true anyway. Kung naging ayos man ako, hindi naman buo. The damage was really excruciating. Pero kasalanan ko rin naman. Ngayong pwede na akong maging maayos dahil handa na siyang kausapin ako, saka naman ayaw ko.

"I'm sorry... I'm really sorry-"

"I said I don't want a conversation right now. I am not in the right state of mind to talk with you, Xydon! Kailan ka ba makikinig sa akin?" Tumaas na ang boses ko.

Bumuntong hininga siya. "Alright... I'm sorry," bulong niya at nag-iwas ng tingin. Hindi kaya ang nanlilisik kong mga mata na dala-dala ang sakit na nararamdaman ko matagal na.

Pagliko ko para makabalik sa lamesa namin, nakita ko si Maddizon na nakatayo sa bukana papasok sa comfort room area. Malamig ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Napansin ni Xydon 'yon. Hindi ako nagpaapekto kay Maddizon. Nilagpasan ko siya para makabalik at makapagpaalam na rin.

Dumiretso ako upuan nina Anikka na nagtataka. Siguro naman nakita nila ang paglakad ni Xydon papuntang CR kanina. Pati na rin si Maddizon.

"Ayos ka lang? May nangyari ba ro'n? Inapi ka?" kunot-noong tanong ni Anikka habang inaayos ang kinakain ng anak n'ya.

Umiling ako para hindi na humaba ang usapan.

"Ayos lang ba kung mauuna na ako?" nahihiya kong paalam.

"Uuwi ka na? Gusto mong ihatid kita?" singit ni Jaya sa usapan. "May tama ka na yata. Ikaw ang naka-ubos sa isang boteng wine."

Umiling ako. "Ayos lang ako. Kaya kong magmaneho. Wala lang 'yong wine sa akin," pagsisinungaling ko.

Ang totoo ay ramdam ko na ang sapak ng alak sa akin. Medyo bumalik lang sa wisyo dahil sa biglaang sagutan namin ni Xydon. Idagdag pa ang handa nang makipag-away na si Maddizon.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now