Chapter 15

23.9K 800 464
                                    

Chapter 15

Choose


I've never been this happy during summer break. Si Jaya kasi ay palaging pumupunta sa kanilang probinsya, si Anikka naman out of the country, at si Demi ay nasa farm nila. Ngayon, kahit mag-isa ako sa bahay palagi, sinusundo naman ako ni Xydon para mag-stay sa kan'yang condo.

Busy si Mommy sa project nila kaya madalas siyang wala, hindi kami makapasyal. Si Daddy naman, wala naman na 'yong pakialam sa akin.

I hate those parents who can easily leave their own children. Bakit pa gagawa kung hindi rin kayang panagutan? But then I'm grateful I wasn't aborted.

"Alam mo ba?" pauna ko habang naglalaro kami ng ML ni Xydon. Nasa kama niya kami, naka-akbay siya sa akin habang naglalaro kami.

We've become closer every passing day. Halos ganito lang palagi ang ginagawa namin. Minsan ay kasama rin namin ang mga pinsan niya. Close ko na nga si Ate Rhione at Cheonsa.

"What is it?" interesadong tanong niya at nilingon pa ako kahit may clash. Kanser.

"I was supposed to be aborted..."

Hindi naman na mabigat sa akin ang katotohanan na 'yon. Binuksan ni Mommy ang usapan noong eleven years old ako. I didn't cry, pero dinala ko 'yon ng ilang taon. Ngayon, wala naman na.

Natigil na siya sa paglalaro. Tumawa ako.

"Ang kanser mo, Xydon! Be professional naman!" I tried to cleanse up the mood, but it wasn't helpful at all.

"Aborted?" hindi makapaniwala na tanong niya. "You're telling me... you weren't supposed to be with me right now? Kung naituloy 'yon?"

Binagsak niya ang cellphone niya sa kama. Defeated. Talo na rin naman kaya hinayaan ko na rin ang cellphone ko. Magkaharap na kami ngayon habang nakaupo sa kama.

"Absolutely. Kung aborted ako, wala talaga ako sa tabi mo ngayon..."

"And you take this lightly? I can't believe you."

Hindi ko alam kung bakit siya ganito ka apektado, gayong buhay na buhay naman ako. Alive and kicking!

"Because I've digested it a long time ago. Noong eleven pa ako sinabi sa akin ni Mommy. I healed years after knowing it, ngayon ay wala ng epekto sa akin..."

He closed his eyes firmly and tried to stifle the rage coming out of his eyes. Galit siya.

"I can't... talk about this," aniya at nag-iwas ng tingin.

I watched him standing on the carpeted floor. Hindi niya ako nilingon.

"Magluluto lang ako ng snack mo," he said coldly and walked slowly out. Parang wala siya sa kanyang sarili.

"Okay! Laro lang ako sa phone mo. One game lang! Rank!" pahabol ko, at alam kong narinig niya 'yon.

My hero was resurrecting when I thought of his reaction. Ganoon din ang reaksyon ko noong unang rinig ko... I don't know why it feels so heavy inside. Mabigat, pero nangingibabaw ang tuwa. Hindi ko alam!

I feel like... I feel like he was too scared to lose me. I feel like imagining I'm out of the picture of his life wrecked him so much.

It's only him, my mother and my best friends could make me like that way. It's fun to be alive knowing there are people that are scared to lose you. It means you're loved, and valued so much. A thing I've never felt to my father.

"Tapos ka na? Gutom na ako..." sabi ko habang nasa screen ang mga mata. Basta lang akong naupo sa high stool niya na may sandalan.

"Lose streak pala, hehe. Anim na stars lang naman. Hirap pala ng mga kalaban kapag Mythical Glory na, 'no?"

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now