Chapter 14

25.5K 862 613
                                    

Chapter 14

Process


Manliligaw na siya...

Suminghap ako at tumango. Kinalma ko muna ang sarili ko bago sumagot. His eyes were twinkling, full of hope and determination. Tuwang tuwa siya, at ganoon din naman ako.

I chuckled. "Day 1, then."

Napamura siya at nag-iwas naman ako ng tingin. The tingling sensation was overpowering me. Pero sa tingin ko naman, mas malala ang kanya.

"This is not a crack, right? Pumapayag ka talaga?"

I sighed. Hindi ako makahinga ng mabuti. Okay naman ang ventilation sa loob ng sasakyan.

"I chose yes, 'di ba? Wala na akong choice," biro ko.

He bit his lower lip. He looked shaken up. Nagsisi ako sa ibinatong biro.

"Uhm... 'Tsaka, gusto ko rin naman. Saan tayo pupunta?" dagdag ko kaagad pero parang wala sa kanya ang huli kong sinabi.

"Ano'ng sinabi mo?" Tuwang-tuwa na naman siya.

I know he wants me to repeat the first one!

"Sabi ko, saan tayo pupunta? Day 1 mo ngayon, it should be special!" hamon ko para sana malipat ang usapan.

Ngumisi siya, hindi mabura-bura ang tuwa sa kanyang mga mata. What? Best day, Xydon? Best day?

"Gusto mo rin... Ibig sabihin ba no'n—"

"Uuwi na ako," biro ko at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan niya pero hinila niya ako sa baywang habang tumatawa.

"I'll stop now..." sa natatawang boses na aniya.

Bumuntong hininga ako. The flowers smell so good, parang gusto na akong ihatid sa langit. Ano? Burol?

"Sa'n pupunta?" I asked again, trying to make a conversation. Ang lalim kasi ng titig niya sa akin.

"Where do you want to go?"

"Bakit ba tuwang-tuwa ka?" My eyebrows were in a hard creased.

Pinaandar niya na ang sasakyan at hindi pa rin maalis ang ngiti niya. Wala naman sana akong pakialam dahil labi niya 'yan, pero natatawa na kasi ako sa sobrang tuwa niya! Dahil ba pumayag ako?

"Sino'ng hindi, Uoiea? Matagal na kitang gusto, it's justifiable to act this way..."

Pinili ko na lang na hindi na umimik dahil 'di ko kinakaya ang mga sagot niya. It feels so good in the heart, yes, but then it's scary in some parts. To fall is never that easy. I know for a fact that he's just waiting for me to fall, because from the start, he's already ready to do the catching... But what if in the middle of the process, I fall and that's the moment he falls out? Hindi ba, nakakatakot? Lalo na't pang-una ko ito kung sakali...

"You want here in the park? I thought you want our Day 1 to be special?" tanong niya habang kumakain ng siomai na nasa plastic cup.

Hindi raw mahilig sa street foods, pero kumakain na ngayon. That's Weya's influence.

"Special dito."

"You don't want fine dining?"

Umiling ako. I'm not yet ready for that. Naka-uniporme rin ako, hello!

"Not because it's expensive doesn't mean it's special. Tignan mo, ang daming bata, 'di ba? For me this place is special, kasi nandito ang mga gusto ko..."

Many think I'm materialistic and expensive, dahil doktor ang mama ko at mahilig siyang bigyan ako ng pera at kung ano-ano, pero hindi ako gano'n.

"This is a special place, then... Nandito ka, e."

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now