Chapter 10

27.7K 1K 497
                                    

Chapter 10

Archery


I passed all of my subjects. Ngayon lang ako nakakuha ng matataas na grado na ako mismo ang naghirap. Madalas kasi ay exempted ako kaya hindi na ako nag-te-take ng exam. Kung ano ang score ng pinakamataas ay 'yon na rin ang akin.

"Galing!" puri sa akin ni Jaya habang naglalakad kami sa corridor papunta sa canteen. Magulo kami at paminsan-minsan ay nagtutulakan pa dahil sa sobrang tuwa.

"Grabe, highest ka sa Gen Chem!" tuwang tuwa na sabi rin Jaya na nasundan pa ng pagtulak sa balikat ko.

"Sabi namin sa'yo, e, matalino ka talaga."

I made a face at what Demi said. I would never believe in that claim! Hindi ako matalino. Palagi nga akong napapagalitan ni Daddy dahil mababa ang mga grades ko. Palagi rin pinapamukha sa akin ni Daddy na wala akong patutunguhan dahil ganito ako...

"Kailan mo naman sinabi, Demi? Na matalino siya? Wala kayang gano'n sa grupo natin!" si Jaya.

Natatawa na lang kami sa isa't isa.

"Sinabihan ko siya sa group chat noong grade nine, huwag ka nga!" sagot ni Demi sabay tulak sa akin pagliko namin pababa sana ng hagdan.

"Ay!" nang bumangga ako sa isang lalaki. Base sa amoy nito, kilalang kilala ko siya.

Hinila kaagad ako ni Jaya kaya tumama ako sa mga kaibigan ko. Vier's eyes drove into mine. Nagtagal iyon na para bang may gusto siyang sabihin pero mas pinili na lang na umiwas kasama ang mga kaibigan niya. Hindi siya nagsalita at naglakad na lang palayo sa amin.

"Ano ba 'yan, nakakasira ng araw!" pagpaparinig ng Anikka.

"Hay, pota! Manggagamit!" pahabol ni Jaya habang hinihila namin sila ni Demi pababa na ng hagdan.

Kung ano ano ang sinasabi nila habang naglalakad kami. I couldn't keep up with them since I was too carried away about our interaction after weeks of being strangers again. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero isa ang klaro. Hindi na ako galit kumpara noon na halos kasuklaman ko siya.

Siguro totoo nga na oras lang ang kayang magpahilom sa mga tao.

Dahil sa banggaan na 'yon, natanto ko na may parte sa akin na hinahanap-hanap ulit ang presensya niya sa buhay ko. Of course I'd still miss him. Wala nang makulit na laging dumadalaw sa classroom namin. Wala na akong hinihintay tuwing hapon. Wala nang nanlilibre sa akin ng barbecue kahit hindi ko naman paborito 'yon...

We can be mad at our friends, but honestly, we could never easily erase them in our life even though they had inflicted pain on us. Because they shared a lot of memories with us...

Kaya ang hirap ma-attach sa isang tao. Mahirap makalimot.

Masaya si Mommy dahil mataas ang nakuha ko sa exam. Actually, sobrang proud niya nga at pi-nost niya pa sa facebook. Maraming ninang at ninong ko na doctor ang nakakita kaya nagbigay ng pera kay Mommy para sa akin. Ginamit ko 'yon sa labas namin nina Jaya.

"Bye!" sabay sabay nilang paalam habang nakabukas ang bintana ng kotse ni Jaya.

I waved back before getting myself inside the house. Katatapos naming nagsimba at kumain. We do this every Sunday whenever we're all free. Madalas kasi ay kasama namin ang family namin tuwing Sunday.

Hawak ang ilang paper bags, pumasok na ako sa bahay. I saw people gardening and cleaning the surroundings. Binati nila ako, kaya binati ko rin.

"My, nakauwi na ako!" bungad ko at binagsak ang sarili ko sa sofa. Ang mga paper bags ay nilagay ko sa lamesa. Ang sarap sa likod ng sofa. Ang lambot ang lamig sa loob ng bahay.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now