Chapter 11

25.1K 841 446
                                    

Chapter 11

Jealous


"Nakita namin, Weya! Ay, naku! Huwag ka nang magpalusot pa. Nakita namin na nakipag laro ka ng archery kay Xydon! You were aiming when he took a picture of you!"

Umagang umaga ay iyan ang bungad sa akin nila Jaya. Nakakapag taka na ang aga-aga nila ngayon, 'yon naman pala ay pinag-usapan nila para sabay-sabay na mang-usisa.

I groaned and leaned on my chair. Nakita ko 'yon kagabi at sinabi kong alisin niya. Sinunod niya naman, kaso 'yin nga, huli na bago niya burahin dahil marami nang nakakita. Sabi niya pa, two hundred pa lang naman ang nakakakita! Wow, ha. Two hundred lang?!

"Tinulungan niya kasi ako sa Gen-Chem-" hindi ko natuloy.

"Ay, wow! So, hindi ito ang unang beses?" tanong ni Anikka sa akin. She looks so excited to know the details. Sa totoo lang ay lahat sila.

Dapat sinabi ko na lang noon para hindi patong-patong ngayon.

I groaned. "Bumalik na kayo. Hindi pa ako tapos sa assignment ko-"

"Ako na gagawa!" sabay hila ni Demi sa kalalabas kong notebook.

Bwisit naman, o. Paano ba ako makakatakas dito?

"Wala lang 'yon! Alam niyo naman na magkaibigan ang parents namin, 'di ba? Malapit sila Mommy sa magulang niya!"

Ito ang mahirap, e. They're now concluding we have a thing! Nakakatakot dahil alam kong maraming nahuhulog sa mga pang-aasar ng mga kaibigan. Main example sina Jaya at Jared na nagkakamabutihan na ngayon.

"Pero alam nating lahat na may gusto sa'yo 'yong tao. Umamin na ba sa'yo?" si Anikka ulit.

Napakamot ako sa ulo ko kaya magulo ang buhok ko. Umagang umaga, ha!

"Bakit ba kailangan niyong malaman-"

"Kasi kaibigan mo kami-"

"Sumagot ka na lang!" putol ni Demi sa aming dalawa ni Jaya.

"Oo!" Out of frustration, there, I confirmed it! Tumili tuloy sila kaya nabulabog ang buong classroom namin. May mga nanigaw pa galing sa corridor dahil sa tili nila.

Niyugyog ako ni Anikka habang tumitili. Nanggigigil sila sa akin. Kahit si Demi na nagsusulat ay halos mapunit na ang notebook ko!

"Omg!" si Demi iyon, napakalakas!

"Hoy, totoo?! Grabe, ang hot no'n! Tiba tiba ka kung sakali, Weya! Shit!" Nagmura pa si Anikka.

Tumili ng malakas si Jaya bago nagsalita kahit sinisigawan na ng mga kaklase namin.

"Hindi ko kinaya! Iba pa rin 'pag umamin! Paano ba umamin? Share mo naman sa amin!"

Binagsak ko ang mukha ko sa lamesa namin ni Jaya. Hindi sa natigil sa kayuyugyog sa aking balikat. Kahit nasasaktan ang noo ko, hindi ako nag patinag.

"Daya! Sige naman na, girl! Para naman kiligin kami!" si Anikka.

"Sa group chat na lang kasi! Ang dami daming nakikinig dito, o... Mamaya ako na naman ang usap-usapan. Nakakapagod sa isip!"

Salamat at nakumbinsi ko sila. Ayaw rin nilang pinag-uusapan ako kaya tumigil na sila. Nagkaklase na nang bumulong sa akin si Jaya.

"Noong si Vier ang na-li-link sa'yo, ang daming bunganga sa paligid, 'di ba? Pero ngayong Montevinski ang involved sa lovelife mo, tikom lahat ang bibig nila," tawa niya sa aking tainga.

"Tahiin ko bunganga mo, e," bulong ko pabalik dahil ginugulo niya ang payapang isip ko.

She gestured zipping her mouth and just minded her business. Nagsulat na siya ulit ng notes.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now