Chapter 19

22.5K 908 686
                                    

Chapter 19

Won


Wala kaming training sa umaga.

"Huwag n'yo ngang guluhin ang kaibigan namin! Nag-aaral siya! Isa!" sita ni Jaya sa mga lalaking inaasar ako mula sa sliding window.

Seryoso lang ako habang nag s-solve ng calculus. Kagabi pa ako nag-aaral ng calculus, at nakakatuwa dahil ang bilis ko silang makuha. Sobrang dali naman pala nito. Siguro tamad lang talaga ako? Siguro matalino talaga ako?

Grabe, ganito pala ang feeling?

"Huwag niyo ngang pinapasigaw 'yan! Mga gagong 'to," boses ni Jared mula sa labas.

Ang lakas ng tili.

I smiled when I finished answering our assignment. Ngayon ko na ginawa dahil whole day ang training namin bukas. Time management!

"Ano'ng meron?" Takang taka si Demi habang nilalapag sa lamesa ko ang fruit tea na pinabili ko.

"Wala..." I said and stretched my hands up.

Tapos na ako sa assignments ko. Si Jaya, hayun, nasa labas na at nakikipag tawanan kay Jared.

"Inspired na inspired ka yata? Ganyan ba talaga kapag may Montevinski sa buhay?" dagdag niya at naupo sa tabi ko.

Wala pa kasi si Anikka. Nagpaalam na aalis kanina pero hanggang ngayon, hindi pa rin bumabalik. Duda talaga ako roon, e. Pakiramdam ko may secret boyfriend 'yon.

"Feeling ko," at saka ako tumawa at tinusok na ang takip ng fruit tea ko.

I leaned on my chair while thinking of something else. I was insecure, but now I'm inspired. Tumatak kasi sa isip ko ang sinabi ni Xydon. Non verbatim, he said, you can still do better as long as you want it for yourself. In my case, I want to be better for myself. Para hindi na ako ma insecure pa...

"Nasa labas na ang sundo mo, 'Nak..." si Mommy nang pababa na ako galing sa aking kwarto. Mamaya pa kasi ang schedule niya kaya si Xydon ang nagprisintang ihatid ako.

"Bye, My!" at humalik ako sa kan'yang pisngi. I was about to go but she pulled my hand gently.

Ngumiti si Mommy. "I'm happy that you're happier now..."

I smiled back. Alam ni Mommy na hindi na ako naghahabol sa atensyon ni Daddy. Sometimes, I still ask how is he but I never got any replies. Hindi na rin ako gaanong ka apektado dahil natanto ko na hindi nga naman lahat ng tao ay kayang ibigay ang pagmamahal na inaasam natin. Someone else will fill it up for you.

Niyakap ako ni Mommy.

"Hayaan mo na, Anak. Maging masaya na lang tayo. Tanggapin mo na, okay?" puno ng timyas ang boses ni Mommy.

Mahirap madaliin ang mga ganitong bagay, pero alam ko naman na dadating 'yong panahon na matatanggap ko na rin. Nagpupursigi akong maging kontento sa mga bagay na hawak ko na kaysa sa mga bagay na mahirap abutin.

Wala namang magbabago sa katotohanang ama ko pa rin siya.

"O, bakit 'to?" tanong ko nang abutan niya ako ng paperbag galing sa backseat na kanina ko pa nakikita sa rear view mirror.

Nasa tapat na kami ng school gate. Hindi ko na pinapasok ang sasakyan niya.

"It's for you to know..."

Tinignan ko ang laman. Bagong set ng jersey pero itim ang kulay. Tinignan ko ang likuran. Montevinski pa rin ang pangalan.

"Black?" taka kong tanong. Puti ang kadalasan na nakikita ko sa pictures niya, e.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDWhere stories live. Discover now