C H A P T E R 41

920 16 0
                                    


---

"You're here again," ani Trevin na kakapasok lang sa pinto ng rooftop. The main building's rooftop is where he can always find me, it's the only place I can see the busy people of our school from afar also given that no one goes here dahil sa parang creepy vibe na daanan papunta dito.

"Yeah, dito na ako nag-lunch. Si Phoebe kasi sunod nang sunod sa akin doon sa cafeteria kaya I excused myself to pee," I explained myself at uminom ng tubig sa tumbler. Lumapit siya sa direksiyon ko at umupo sa upuang nasa harap ko.

"Look! It's Vannie!" pagsigaw niya at tinuro ang isang babae sa ilalim na naka-upo sa isang bench kasama ang mga kaibigan niya. "Kumain ka na ba?" I asked pagkatapos lisanin ng paningin ko ang nakangiting Avani and also to change the topic. Trevin will tease me if I would give attention to her, he knows how much I like her ever since first day of college.

"Changing the topic huh? Yeah, I ate a little. When will you ever hit her up? Matagal-tagal mo na yang tinatago Zach!" he said in a c0ny0 tone and laughed with hands on his stomach. "Manahimik ka, huwag mo akong pakialaman. Give attention to your c0ny0ness, ang tagal mo na dito sa Pilipinas tapos c0ny0 ka pa din," I mimicked his c0ny0 tone and we both laughed our pants off.

"Have you invited her already?" he asked out of the blue at inagaw ang tumbler sa kamay ko. Napakamot ako ng ulo at mahinang nagsalita, "Nahihiya akong mag-approach sa kaniya eh, ikaw nalang kaya ang magbigay ng invitation card?" paghihingi ko ng pabor. Bigla siyang tumayo at nagsimulang lumakad patungong pinto.

"Kaya mo na that," aniya sa c0ny0ng pananalita and waved his hand before closing the door. Tumayo ako at niligpit ang pinagkain para sumunod ng baba sa building para sa susunod na klase.

"Tama! Kaya ko this-- este kaya ko 'to!"

Mrs. Finn's Birthday...

"Whoo! Kaya mo 'to Zach! You'll just invite her for a party that's all!" pagkausap ko sa aking sarili sa salamin ng C.R. sa school.

"Hi Ms. Steele, dinner later?" I acted in front of the mirror with an invitation card on my hand at parang baliw na nagpa-practice ng smile.

"Zach! Napaka-chix boy pakinggan! Umayos ka nga!" sigaw ko sa sarili ko at naghilamos ng ilang ulit hanggang sa napagdesisyunan kong lumabas na doon dahil natataranta na ako at pinagpapawisan.

Saktong pagkalabas ko ng banyo, napalingon ako sa kaliwa at kanan ng hallway at nagkataong dadaanan ako nina Avani na kasama ang apat niyang kaibigang sina Nico, Devoura, Tiffany, at Faye na alam ding may gusto ako kay Avani dahil sa chismosong Trevin na hindi maisara ang bibig.

Nakatayo lang ako doon na parang bato na hindi makagalaw. Palapit na sila ng palapit sa kinakatayuan ko dahil ang traitor kong katawan ay awtomatikong pumwesto sa gitna ng dinadaanan. Few blinks more and they halted walking in front of me as if waiting kung may sasabihin ako dahil nakatitig lang ako ng diretso sa mata ni Avani.

Ilang minuto pa bago ako natauhan at nanginginig ang kamay na kinuha sa bag ko ang invitation card na dahilan ng pag-ingay ng mga babaeng katabi niya.

"Ayieee! Si Zach oh, nagbibinata na!" pagkantyaw ni Devoura. Nagtaka naman si Avani sa inabot ko at binasa ang nilalaman nito. "Happy birthday to your mom but I think I can't go," saad niya at binalik ang card sa kamay ko.

Bago pa ito dumating sa nakalahad kong kamay ay dali-daling hinablot ni Tiffany ang invitation at nagsabing, "Thank you for inviting her Zach! Don't worry, she'll come!" she said in a hurry and gave me a wink after whispering, "Kami na ang bahala." The other girls took Avani's hand and forced her to walk out of there. "Bitawan niyo nga ako, I'm not going! Hindi naman kami close ah?!" she complained on their way back to their building.

REMEMBER (R SERIES #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now