Naririnig niya ang pagbaba nito sa hagdan dahil sa yabag nito. Naghihintay lang si Lei sa kaniya sa baba. Hindi siya makapaghintay na masilayan ito.

Napangiti si Lei sa kaniya ng magkatinginan silang dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Lala habang nakatitig sa kaniya.

"A-ate?" hindi siya makapaniwalang kinusot ang mga mata niya, "Ate, ikaw ba 'yan? Hindi ba ako nananaginip?!" tanong niya. Umiling si Lei sa kaniya.

"Lala, si ate 'to," sambit niya at binuka ang mga braso para sa yakap. Tumakbo ang kapatid niya na nagtutubig ang mga mata.

"Ate!" naging malakas ang pagkayap niya sa ate niya sa sobrang pagkasabik. Mahigpit siyang niyakap pabalik ni Lei, "Ate, totoo ka nga!" malakas itong humikbi sa balikat niya.

"Lala, sorry kung ngayon lang ako. Sorry kung iniwan ko kayo," sabi niya. Hinaplos niya ang buhok nito. Tumaba ang kapatid niya.

Umiling si Lala sa kaniya, "Ate, okay lang. Ang importante bumalik ka! Ano ba ang nangyari sa'yo?!" tanong nito.

Hinawakan ni Lei ang magkabilang pisngi nito at deretso siyang tiningnan sa kaniya mga mata, "Naaksidente ako, Lala. Ilang taon ko din kayong nalimutan, pasensya na," sabi niya. Pinunasan niya ang luha ng kapatid gamit ang daliri niya.

"Ate, miss na miss ka na namin ni Jojo," sambit niya at niyakap ulit ito. Nanginginig ang balikat ng kapatid niya dahil sa malakas na pag-iyak.

"Miss na miss ko na rin kayo, Lala. Magkakasama na din tayo." Ilang ulit niyang hinalikan ang ulo nito.

"Ate, si Kuya. Siya ang tumulong sa'min ni Jojo. Magmula ng mawala ka andiyan na siya lagi para sa'min," kuwento niya. Sumisinghot-singhot ito, "Pinaaral niya kami, ate. Binigyan niya rin ng tirahan. Hinanap ka din niya pero hindi ka niya makita," sabi niya umiyak ulit ito sa balikat ng ate.

"Ate, nakita ka daw niya. Pero nagwawala siya ilang araw na dahil napagkamalan niya daw ang babaeng 'yon na ikaw."

Parang may kung anong kumirot sa puso ni Lei na pinagmasdan ang mga basag na bote sa sahig.

"Iisa lang ba kayo, ate?" tanong ni Lala sa kaniya.

Tumango si Lei at pinunasan ang sariling luha, "Oo, La. Sinabi ko lang 'yon dahil nasasaktan ako kung bakit ngayon ko lang naalala ang lahat. Hindi man lang ako nakapagluksa para kay nanay," sambit niya at kinagat ang labi.

"Mahal na mahal ka ni nanay, ate."

"Oo, alam ko. Mahal niya tayong lahat," tugon niya at mapait na ngumiti.

Bigla silang nakarinig ng malakas na pagkabasag sa itaas. Napatingin sila pareho.

"Lala, pupuntahan ko muna ang kuya niyo ah?" kinuha niya ang cellphone sa bulsa at ibinigay iyon sa kaniya, "Ilagay mo number mo diyan. Tatawagan ko kayo mamaya," sabi niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa itaas.

Huminto si Lei sa harapan ng kwarto ni Phoenix. Nagkagat-labi siya bago binuksan ang napakadilim na kwarto. Amoy na amoy niya ang alak sa loob nito at tila ilanh araw ng nakasarado. Hinanap niya ang ilaw at pinindot ito.

Doon niya nakita ang napakagulo na kwarto. Sobrang daming bote mg alak. Nasira ang salamin, nagulo ang kama at siya? Ay nasa sahig nakatihaya.

Nanlabo ang mga mata ni Lei na humakbang papunta sa binata na ngayon ay umiiyak sa kamay niya. Tumaas baba ang balikat nito dahil sa pag-iyak.

"Phoenix," tawag niya. Umupo siya sa harapan nito at tinulungan siyang tumayo.

"Please...iwan niyo muna ako. G-gusto kong mapag-isa," sambit niya sa gitna ng pag-iyak. Napaluha na rin si Lei habang pilit siyang binubuhat pataas ng kama pero mabigat ito, "Please...ibalik niyo si Lei. Mahal na mahal ko siya."

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now