Chapter 8

7.7K 282 4
                                    

Namumula ang mukha ni Lei habang naglalakad palabas. Hindi niya mapigilan ang pusong tumibok ng malakas. Para siyang wala sa sariling nakatungo.

"What's your problem?" he asked. 

Hindi sumagot si Lei sa kaniya bagkos ay dumeretsong maglakad.

"Hello! Lei! I kissed you for good luck, don't make it big deal." Dagdag nito.

Huminga ng malalim ng dalaga saka nag-iwas tingin. Hindi siya pamilyar sa nararamdaman, "Maglalaro na ako, kanina pa ako tinatawag. Panoorin mu'ko." Itinuro niya ang binata gamit ang isang niyang daliri bago pumunta sa gitna ng court.

Suot niya ang sapatos at damit ni Phoenix. Kasya naman sa kaniya kaya walang problema. Nagbukas ulit siya ng isang chewing gum at kinain ito.

"Kayo ang mga makakasama ko?" tanong niya sa apat na dalaga. Mukhang kinakabahan sila.

Ngumiti silang apat, "Opo, ate. Pasensya na po, hindi ako marunong maglaro, ako nga po pala si Lenlen," pagpapakilala niya, "Siya si Bennet, Chechen at Norma." Tumango si Lei sa kanila. Nagkamayan silang lahat.

"Sige, ako si Lei. Ibigay niyo na lang sa'kin ang bola, okay? Impakta talaga ang babaeng 'yan," sabi niya sabay lingon sa kabilang parte ng court. Nakangisi ang dalaga sa kaniya.

"Ate Lei, magagaling ang mga 'yan kahit pandak," sabi ni Chenchen kaya napatingin siya dito.

Matangkad ang kasamahan niya, "I-block niyo lang, 'wag niyong hahayaang agawin ang bola, matatangkad kayo kaya hindi sila makakalusot," panghihikayat nito at kumindat.

Nagtawanan sila at tumango, "Sige po, ate. Madaming magaling diyan pero kami talaga ang pinili," sabat ni Lenlen.

Kumunot ang noo ni Lei sa sinabi niya, "Puteks na babae 'yan, gusto talaga ako matalo ah?" bulong niya sabay pameywang.

Bigla namang may kumalabit sa gilid niya kaya kaagad siyang lumingon dito, "Uy, Jun! Congrats, pare!" tugon niya at nag-apir silang dalawa.

Napakamot agad ng ulo si Jun at parang ginapangan ng hiya, "'Wag mo na akong tawaging pare, Lei. Saka good luck, talunin mo 'yang babaeng 'yan." Turo niya sa babaeng ngayon ay pinag-ekis ang braso sa dibdib. Mabuti na lang at hindi na kita ang dibdib niya.

Umirap siya, "Sus, 'yan lang? Tataob sa'kin 'ya, Jun." Nginuya niya ng malaki ang gum sa bibig niya. Naging maangas ang mukha nito.

"Miss Lei at ang anak ko-Neneng, gumitna na kayo!" sabi ng announcer.

"Mukhang maluluto 'to ah?" anya saka marahang pinalo ang balikat ni Jun para umalis, "Tara na, guys! Galingan niyo ah?" bulong niya dito. Kasing lambot ata ng sponge ang mga galaw nila.

"Opo, ate."

"Ate, kilala niyo pala 'yon? Ex 'yan ni Neneng."

Napatakip ng bibig si Lei dahil sa gulat, "Talaga?" tanong niya saka nagpakawala ng mapaglarong ngiti, "Kaya pala parang galit siya," bulong nito at malapad na ngumiti.

"Jump ball!"

"Chen, ikaw sa'tin. Paluin mo ang bola papunta sa'kin, gets mo ba?" tanong niya habang inaakbayan ito.

Limang minuto lang naman ang laban kaya mabilis lang ang oras, "Sige po, akong bahala, basta 'wag niyong ipasa sa'kin ang bola ah?" sabi niya pa.

Tumawa si Lei ng malakas at tumango, "'Wag mong ipaaagaw sa kanila. Kailangan natin silang matalo." Humalukipkip siya saka lumingon sa gawi ni Neneng.

"GO, LEI!" biglaang sigaw ni Jun. Napakaway si Lei sa kaniya at tumawa, tiyak na maiinis na naman 'yon.

"Sana all!"

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon