Chapter 18

6.8K 224 7
                                    

Kung ano ang suot niyang damit papunta sa Sta. Catalina ay 'yon din ang suot niya pauwi ng Manila. Ripped jeans, oversized shirt at ang sapatos niyang kupas.

"Aalis na talaga kayo, hija?" tanong ni manang Lorna sa kaniya.

Ngumiti si Lei at niyakap siya, "Oo, manang. Salamat sa pag-alaga sa pasaway na katulad ko," sagot niya sabay tawa. Mahigpit niya itong niyakap.

"Naku, ang bait mo nga e. Mami-miss ka namin ni Lando. Wala na kaming ampon sa bahay," aniya habang tumatawa.

Humalakhak din si Lei sa kaniya, "Maka-ampon naman kayo. Babalik na lang kami kapag may oras, manang," tugon niya at inakbayan ang matanda palabas ng bahay.

Nasa labas na si Phoenix nagpapaalam sa mga tao. Ang dami niyang kilala may nagbibigay nga ng mga prutas sa kaniya bilang pasasalamat dito.

Napatingin sa kaniya si Phoenix at kumaway habang suot ang ngiti sa mga labi nito. Kumaway pabalik ang dalaga, naglalakad silang dalawa ng matanda papalapit sa gawi binata.

"Sir, mag-ingat kayo ah? Salamat sa lahat ng tulong," ani Berto.

Napakamot ng ulo ang binata, "Walang ano man. Gusto pa sana naming manatili sa payapang lugar niyo pero marami ding naghihintay sa'min na trabaho, e," sabi ng binata.

"Naku! Tama kayo, sir. Bumalik na lang kayo kapag bakasyon," sabat ni manong Lando. Napalingon siya sa gawi ng asawa at nakita ang dalaga sa tabi nito, "Lei, mag-ingat ka do'n sa Manila. Kahit kailan mo gusto puwedi kang bumalik dito."

Naluluha naman na ngumiti si Lei sa kaniya, "Opo, manong!" sagot niya. Nahihiya man pero nalulungkot siya na kailangan nilang lisanin ang lugar, "Salamat po."

Tumango ang matandang lalaki. Bigla naman siyang nakarinig ng mahinang hikbi kaya napatingin siya sa asawa niya na ngayon ay nasa tabi niya.

"Kita mo naman oh! 'Yong asawa ko umiyak pa!" pagbibiro ni manong kaya nagtawanan ang iba pang kasama niya, "Halika dito, Lorna." Pinaghiwalay niya ang dalawang kamay para yakapin siya.

Binitawan siya ni Lei at agad ding dinaluhan ng binata. Hinawakan kaagad nito ang palad ng dalaga at hinalikan. Matamis na ngiti ang naging ganti ni Lei kay Phoenix.

"Manang, 'wag ka na pong umiyak. Aalagaan ko 'tong si Lei. 'Wag kang mag-alala," sabi ni Phoenix at hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga.

Napasandal ng ulo si Lei sa balikat nito habang pigil ang ngiti. Hindi niya maiwasang hindi kiligin sa pinagsasabi nito.

"S-sir, kapag nagka-oras kayo. Dumalaw ulit kayo dito," ani Lorna habang niyayakap ng asawa. Pilit siya nitong pinapatahan. Nalulungkot siya sa pagalis ni Lei sa puder nila na ilang buwan niya ring nakasama.

Nagkatinginan ang magkasintahan, "Opo, manang. Pangako 'yan," sagot ni Lei.

Nagpaalam na sila sa isa't-isa. Binuksan ni Phoenix ang passenger seat para makapasok si Lei.

"Pasok na o pasukin kita," bulong nito sa tenga ng dalaga at bahagya itong kinagat.

Dinuro siya ng dalaga gamit ang daliri nito, "'Yang bibig mo ah? Kay ayos-ayos naman ng pananalita mo noon. Bakit parang naging bastos 'yan!" singhal niya at hinampas ito sa dibdib.

Napatawa naman si Phoenix at kinagat ang ibabang labi niya, "You are so cute, love." Komento niya saka sinara ang pinto sa gawi ng dalaga.

Naiwang namumula ang dalaga sa loob ng kotse. Mahina siyang napatili ng maramdamang kinilig siya sa tinatawag ng binata sa kaniya. Napasipa siya sa sahig habang tinatakpan ang bibig niya. Imbis na magalit ay agad na umiba ang kaniyang nararamdaman.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now