Chapter 14

7K 246 3
                                    


Sa labas ng bahay na tinitirahan ni Lei ay makikita mo ang isang matikas na lalaking nakasandal at naghihintay sa paglabas ng dalaga. Meron siyang dalang tuwalya sa balikat, pagkain at tubig na kakailanganin nilang lahat.

"Hija, mag-ingat kayo ah? 'Wag kayong magpapagabi do'n!" rinig na rinig niya na bilin ni manang Lorna. Hanga talaga siya mg taga-rito. Parang tinuring na rin nilang totoong anak si Lei.

"Oo, manang. Grabi naman 'yong magpapagabi kami," sagot ni Lei. Agad itong sumimangot.

"Nagpapaalala lang, hindi puweding kayo lang dalawa ang nando'n. Alalahain mo, Lei. Lalaki si sir Phoenix." Bilin sa kaniya ni manang Lorna. Naituring na rin kasi siyang anak ng matanda kaya kung ano ang turing niya sa anak na si Jennie ay gano’n din ang gusto niyang trato kay Lei.

Napangiti si Phoenix sa labas habang nakikinig sa kanila.

Napanguso ang dalaga sa sinabi ni manang, "Manang, naman! 'Wag mo ngang bigyan ng malisya itong sa'min ni Phoenix," tugon niya at inakbayan ang matanda.

Marahan siyang pinalo ni manang sa kamay, "Oo nga, kaya bumalik kaagad kayo," aniya.

Binitawan ni Lei si manang bago makarating sa pinto. Hinarap niya ito at ngumiti, "Hindi kami magpapagabi, promise!" pagbibigay kasiguraduhan niyang sambit.

"Oh, siya!"

Tumayo ng maayos si Phoenix ng makitang nasa labas na ang dalaga. Nakasuot ng kulay itim na track pants at t-shirt na kulay asul.

Nagulat naman si manang na makita ang matikas na binata, "Sir, andiyan pala kayo. Kanina pa ba kayo naghihintay kay Lei?" tanong niya. Tiningnan niya ang paligid at napakamot ng leeg.

Agad na kinuha ni Phoenix ang kamay ng matanda para magmano.

"Pagpalain ka ng Diyos."

Napatingin naman si Lei sa kaniya. Nakasuot ito ng kulay tsokolateng damit at short. Maayos ang pagkakaayos niya ng buhok at nakaka-attract talaga ang kutis nito. Hindi mapigilan ng dalaga ang mapangiti kaya agad itong yumuko para hindi mapansin ng binata.

"Kanina ka pa ba?" mahinang tanong ni Lei.

"Hindi naman, sakto lang." Ngumiti siya ng tipid at lumingon kay manang, "Don't worry, I'll take care of her, manang. Hindi naman ako kumakain ng tao." Pagbibiro niya.

"Susmaryusep, sir! Sige na, umalis na kayo at para makauwi kaagad kayong dalawa," sagot ni manang at nagsimula ng maglakad at tinalikuran sila.

Tumaas ang gilid ng labi ni Phoenix na tumingin kay Lei, "Hindi ka naman siguro magpapakain sa'kin hindi ba?" tanong niya sa dalaga.

Deretsong nakatingin si Lei sa mga mata niya, napalunok ito at hindi mawari kung ano ang isasagot hanggang sa biglang rumehistro sa utak niya kung ano ang sinabi ng binata.

Kumunot ang noo niya, sinipa niya ang paa nito, "Anong pinagsasabi mo?" tanong niya ng malakas.

"Aw! Ouch! Sh*t, it hurts!" daing niyang sambit. Hawak-hawak ang paa niya ay napatalon-talon ito dahil sa sakit, "I am just kidding, Lei. You took it seriously!" singhal niya. Nanatiling gusot ang mukha nito kaya dinaluhan kaagad siya ni Lei.

"Masakit ba talaga? Sorry na, ikaw naman kasi!" natataranta niyang tugon at pinilit niyang kinuha ang kamay nitong nasa paa, "Bakit mo ba kasi sinabi 'yon? Hindi pa nga tayo nakakaalis, e." Napalabi si Lei dahil sa pagsisisi nito.

Maayos na tumayo si Phoenix at lihim na ngumiti dahil sa ginawa ni Lei.

Menasahe niya ang makinis nitong daliri sa paa, "Masakit ba dito?" malambing na tanong ni Lei.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon