Chapter 16

7.1K 243 9
                                    

Habang natutulog ang dalaga, nasa tabi niya ang binatang kanina pa nakatitig sa mukha niyang payapang pumipikit. Halos makain na niya ito dahil sa sobrang lapit ng mukha sa kaniya. Nakangiti siya at parang aliw na aliw.

Alas-onse na ng gabi. Kanina pa siya nandoon at hinihintay na si Lei na magising. Gusto niyang magkasama silang dalawa na kumain. Hanggang sa napahiga na ito sa tabi ng dalaga dahil sa pangangalay ng kamay.

Nag-unat-unat ng kamay ang binata at humarap sa dalaga, "Bakit ang tagal mong magising, Lei? Hindi ka ba nagugutom? Kasi ako, oo," sabi niya at ngumoso. Para siyang bata na paikot-ikot sa higaan nito hanggang sa naisipan ding tumigil.

Bahagyang gumalaw ang dalaga kaya nag-abang kaagad ito para pagbukas ng mga mata niya ay siya kaagad ang makita.

Agad na ngumiti si Phoenix sa unti-unting pagbukas ng mga mata nito. Pumikit ang dalaga at umiling. Bumukas ulit ang mga mata niya at nakitang si Phoenix nga ang nasa harapan niya.

"Phoenix! Anong ginagawa mo dito? Teka, nasaan ba ako?" tanong niya saka umupo sa kama. Inikot niya ang tingin para tingnan kung nasaan siya at napagtanto niyang nasa kwarto pa rin siya.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga at tiningnan ang damit niya kaya kumawlaa ang tawa sa bibig ng binata.

"Calm down, will you? Walang nangyari sa'tin," sabi niya at nagkibit-balikat.

Bumuntong-hininga ang dalaga at masamang tumingin sa kaniya, "Ano ba ang ginagawa mo dito?! Paano kung makita ka nina manang?" tanong niya. Naging madiin ang bawat bigkas na 'yon at pinipilit na 'wag itaas ang boses.

"Can't you see? I am waiting for you here. Kanina pa, bakit ng tagal mong magising?" tanong niya at pinag-ekis ang mga kamay sa dibdib.

Kumunot ang noo ni Lei, "So, kasalanan ko pa 'yon? Hindi ko sinabing hintayin mo ako ah?!" asik niya habang tinuturo ang binata, "Tang*na, nakahiga pa talaga dito sa kwarto ko ah?"

Pumuot ang binata saka kinuha ang kamay niya, "Sina manang ang nagpapasok sa'kin dito. May nangyari daw kasi. I'm sorry," aniya at lumungkot ang mukha.

Napaiwas ng tingin ni Lei dahil sa sinabi niya, "Anong oras na ba?" sobrang dilim na sa labas at wala na siyang ano mang makita at tanging huni na lang nga mga insekto ang naririnig.

"11 PM, Lei. Bakit?"

Umuwang ang mga labi ng dalaga kasabay ng pamimilog ng mga mata nito, "Ano? Alas-onse na? Sobrang haba naman ata ng tulog ko." Komento niya at napakamot ng ulo, "Ilang oras ka na ba dito sa kwarto?" tanong niya.

Napaisip ang binata kung ilang oras ng ba hanggang sa matapos niya itong bilangin, "I think almost 6 hours, Lei. I was here at 6 PM," sagot niya na parang wala lang 'yon.

"Ano?! Nagbibiro ka ba? Bakit hindi mo ako ginising? Nakakabadtrip ka naman!" napatampal si Lei saka umiling. Hindi siya makapaniwalang kaya niyang maghintay ng gano'n ka tagal sa tabi niya. Kaya pala napapahiga na siya sa tabi niya.

Iniling ni Phoenix ang ulo niya, "No, I am not kidding. I didn't wake you up because I love watching you asleep..." Aniya saka matamis na ngumiti.

Bigla silang dalawa tumahimik. Kaya rinig na rinig ang malakas na huni mula sa kaniyang tiyan.

Napatakip ng tiyan si Phoenix at ngumiti, "I'm sorry but I am really hungry, Lei. Let's eat." Ngumoso ang binata kaya tumang si Lei.

"Puwedi ka naman sumabay sa kanila, bakit mo pa ako hinintay?" tanong niya. Magkahawak-kamay silang naglakad palabas ng kwarto.

"I want you by my side. I want to make things with you," he answered in serious tone.

"Pabibo." Komento ni Lei saka hinila siya ng mabilis. Umupo kaagad siya sa upuan at binuksan ang natatakpang pagkain na parang kanina pa ito hinanda.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now