Chapter 35

7.7K 235 6
                                    

"Bakit lagi kang wala?!" singhal ni Lori sa asawa. Mag-iilang linggo na rin sila sa Manila pero lagi lang nilang kasama si Phoenix kaysa sa asawa nitong laging wala.

Hindi pinansin ni Xander si Lori at dumeretso sa sa banyo dala ang tuwalya nito sa balikat. Napatingin siya sa anak na nakatulog na sa kakahintay sa daddy niya. Hindi niya alam pero nasasaktan siya sa ginagawa nito.

Naghintay si Lori sa paglabas niya. Kumuha siya ng ilang bote ng beer at mabilis na tinungga ito. Naisipan niyang buksan ang malaking kurtina para makita ang mga ilaw sa iba't-ibang mga gusali. Umupo siya sa upuan habang nakataas ang dalawang paa, nakatitig siya sa labas ng transparent na glass window. Mabilis niyang inubos ang isang bote at bumukas ulit ng isa.

Sa hindi alam na kadahilanan ay bigla siyang napaiyak. Tumulo ang mga luha niya sa pisngi. Naalala niya ang mga oras kung paano siya tinrato ni Phoenix kapag magkasama sila. Minsan maiisip niya na lang na sana siya na lang talaga si Lei.

"Hey, kumain ka ng madami para tumaba ka," sambit ng binata at ibinigay ang malaking bulto ng pagkain.

"You have---uhmmm..." Kumuha ito ng isang piraso ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi niya.

"Come here! Mababasa ka ng ulan. Baka magkasakit ka niyan," sabi niya sabay hila kay Lori papalapit sa katawan niya.

"Slow down...kaya mo ba talaga ang rides na 'to? Just hold my hand..." Inabot niya ang kamay sa babaeng nasa tabi niya at matamis na ngumiti.

Pagkatapos niyang lagyan ng pulbo ng likod ni Phyton ay humarap siya kay Lorie, "Talikod ka, lalagyan din kita ng baby powder, baka puwedi pa na maging baby kita," pagbibiro niya. Kumindat pa ito na kinailing naman ni Lori sa kaniya.

Limang bote na ang naubos niyang beer. Ito ang unang beses na uminom siya magmula ng niluwal ang anak niyang si Phyton. Tumunog ang pinto at hudyat ito na lumabas na si Xander mula sa loob.

"Bakit umiinom ka?" malamig niyang tanong.

"Wala kang pakealam," sagot niya. Pinglaruan ni Lori ang bote na parang hinahalo ang inumin sa loob.

"Lori, tinatanong kita." Naririnig niya ang hakbang ng asawa papunta sa gawi niya.

"Sinagot naman kita ah? Anong problema do'n?" umismid siya saka tinungga ang hawak niyang beer pero malakas itong hinila ni Xander kaya tumilapon ito sa sahig at nabasag, "Ano ba ang problema mo?! Ha?!" malakas na tanong ni Lori. Napatayo na ito mula sa upuan.

Tumigas ang ekspresyong ng asawa at nag-iwas ng tingin, "Wala akong problema. May tinatrabaho nga ako," sagot niya. Kumuyom ang panga ni Xander at hindi masabi ang totoong nararamdaman.

"Wala?! Kaya pala hindi mo ako kinakausap! 'Yang anak mo napagod na kakahintay sa'yo!" sigaw niya habang tinuturo ng anak na ngayon ay natutulog. Lumandas ang luha niya sa kaniyang pisngi.

"Kakahintay sa'kin?! O kakasama niyo diyan sa lalaking nasa tabi ng kwarto natin?! Sige nga sagutin mo!" humakbang paatras si Xander ng gumuhit ang kirot sa puso niya, "Ayoko ng umasa sa'yo! Nakakapagod din naman!" sigaw niya. Ginulo niya ang sariling buhok.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon