Chapter 19

6.6K 219 4
                                    

Nanlalaki ang mga mata ni Lei habang nililibot ang mga mata nito sa loob ng napakalaking bahay. Akala niya at maliit lang ito sa labas pero pagpasok ay bumungad kaagad sa kaniya ang malapad na lugar, puno ng mamahaling gamit. May hagdan din paitaas. Kulay puti ang buong bahay at sobrang linis.

"Sa'yo 'to?" tanong niya.

Kaagad na umupo si Phoenix sa kulay abong sofa, "Yeah, this is not the house I am telling you. But this is mine, my privacy." Aniya at binuka  ang dalawang braso para sa kaniya, "Come here, love. I will bring you there once I am done with my works," sabi niya.

Hinubad ng dalaga ang bag niya at nilagay sa mesa. Sinalubong siya ng yakap ng binata at derestong umupo sa tabi nito.

"Kahit 'wag mo na akong papuntahin do'n," sagot ng dalaga at niyakap ang leeg ng binata, "Okay na ako dito, tahimik." Dagdag pa niya.

Huminga ng malalim si Phoenix, "No way. I will introduce you to my family soon. Mom will be happy," tugon ng binata.

Napanguso ang dalaga dahil sa sinabi niya. Hindi siya sigurado kung ano ang masasabi nila sa kaniya. Hindi pa niya kilala ang mga ito kaya baka kutyain lang siya.

"Phoenix, nahihiya ako sa kanila."

"Why would you? Nakikita ba nila ang puwet mo? Hindi naman 'di ba? Pero ako, nakita ko na," pagbibiro niya. Agad ding tumawa si Lei.

"Alam mo, ang seryoso ng usapan natin dito lagi mong nilalagyan ng mga biro mo!"

Napahiga silang dalawa sa mahabang sofa at nagtatawanan, "Because  I want to make you happy. My family are not like what you think, they are unique and open-minded, love," sabi ng binata.

Ginawang unan ni Lei ang malaking braso ng binata habang hawak nito ang kamay niya at ipinagsaklop sa kaniya.

"Your hands really suit for mine. You are really meant to be mine, Lei. Kaya 'wag na 'wag mo akong iiwan," tugon niya na may halong pagbabanta, "Hahanapin kita kahit saan ka magpunta. Hahabulin kita at aanakan para hindi mo ako iwan."

Sumeryoso ang mukha ng binata habang nakatitig sa mga kamay nila. Nanatiling nakatulala naman si Lei sa kisame.

"Bakit? Sa tingin mo hindi mo ako iiwan?" walang pakundangang tanong niya.

Ngumiti ng matamis ang binata at mabilis siyang hinalikan sa leeg, "Hindi, hindi ko kaya." 

Nilibot siya ng binata sa loob ng bahay nito. Malaki at malinis na kusina. Merong countertop kapag kakain at magkakape. Akalain mo meron ding library.

"Mahilig ka bang magbasa? Andami mong libro," tanong ni Lei habang iniikot ang tingin. Isa itong mahabang silid na may saktong kataasan lang ng mga shelf.

Tumango ang binata, "Yeah, when I was high school I love reading romance book but anyway, that was many years ago," sagot niya. Hinila niya ang dalaga dahil sa hiya. He was called gay because he loves reading romance book. He doesn't know what is wrong with it.

"Parang gusto ko din magbasa no'n," komento ni Lei at ngumiti, "Alam mo ba nakakagwapo ang mga mahilig sa libro? Ako gusto ko talaga 'yong matalino." Sambit ng dalaga para ibsan ang hiya nito.

Huminto si Phoenix at humarap sa kaniya, "Really? Is that so?" may pagkamangha niyang tanong sa dalaga.

Lumawak ang ngiti niya at tumango, "Oo nga. Bihira lang kaya sa lalaki ng magbasa ng mga gano'n." Ipinulupot ng dalaga ang kamay niya sa leeg nito at nilapit niya ang mukha hanggang sa dumikit ang ilong nila sa isa't-isa.

"Then, I will read more. And I can proudly say to you that your boyfriend graduated as Magna Cum Laude. Yes, I am smart and intelligent," tugon niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon