Chapter 24

6.3K 199 2
                                    


Ginawang unan ni Lei ang braso ni Phoenix habang nakatitig sa kaniya. Nakapikit ito, kagagaling niya lang sa trabaho.

"Phoenix...kailangan mo ng gumising. Kakain na tayo," bulong ng dalaga. Ngumiti siya at inayos ang buhok nitong gulo-gulo. Kahit natutulog ay gwapo pa rin siya. Wala siyang suot pang-itaas at tanging slacks lang ang suot sa ibaba, "Lagi ka nang napapagod." Ngumoso siya at marahang hinalikan ang ulo nito.

Hinapit ng binata ang beywang niya papalapit sa katawan nito. Lumalim ang paghinga niya at bumalik sa pagkakatulog. Mabuti na lang at hindi pa ni Lei hinanda sa mesa ang mga pagkain. Naisipan ng dalagang hayaan munang magpahinga ang binatang nasa tabi niya. Niyakap niya ang leeg nito habang hinahaplos ang buhok.

Magiging ganito kaya sila hanggang sa huli? Magiging mabuti ba siyang asawa sa kaniya kapag nagkataon? Mga katanongan sa isip ng dalaga.

Ilang ulit niyang pinatakan ng halik ang binata sa ulo, "Mahal na mahal kita," bulong niya. Tumaas ang magkabilang gilid ng labi niya at hindi napigilang mapangiti. Hindi niya aakalaing magtatagal sila. Hindi na namalayan ng dalagang nakatulugan na niya ang paghihintay sa binata.

Malalim na ang gabi ng magising ang binata mula sa yapos ni Lei. Inalis niya ang pagkakayakap ng kamay nito  at niyakap siya ng mahigpit.

"I'm sorry, love," sabi niya ng makitang maghahating-gabi na. Hindi niya alam na naging malalim pala ang pagtulog niya. Naging busy kasi siya sa pagtatrabaho ng nawalang investors nila.

Biglang tumunog ng malakas ang tiyan niya hudyat na nagugutom na ito. Napalabi siya at hinalikan ng leeg ng dalaga.

"Love, wake up. I'm hungry," aniya at itinapat ang mukha niya malapit sa mukha ni Lei. Ngumiti ang binata at marahang pinisil ang matangos nitong ilong, "Love, wake up, we need to eat," he said. Dagdag niya at agad na tumawa dahil sa paggalaw nito matapos niyang pisilin ang ilong niya.

Inulit niya ang pagpapakiliti sa ilong nito at mahinang tumawa. Gano'n din ang paggalaw ng bibig at ilong niya.

"Love, wake up!" sabi niya.

"Hmmmm..." Tanging naging tugon niya at gumalaw patalikod sa binata. Pumuot ang binata at niyakap siya mula sa likuran.

"Lei, gising na! Lei, Lizzeth," paulit-ulit niyang binanggit ang pangalan ng dalaga. Kiniliti niya ito sa tagiliran para magising.

"Aray! Ano ba!" sigaw ni Lei sabay hampas ng kamay niya, "Phoenix! Anong ginagawa mo?" tanong niya habang nakataas ang boses. Humarap ang dalang pikit-pikit ang talukap ng mga mata. Agad niya itong kinusot at humikab.

Tumawa si Phoenix at umiling, "Wala naman. Kanina pa kita ginigising, love. Kakain na tayo. Maghahating-gabi na," sabi niya.

"Hayss! Ikaw kasi, sabi ng 'wag kang matutulog dahil kakain na tayo. Natulog ka pa rin, hindi ka man lang nagbihis," tugon niya habang nakakunot ang noo. Umupo siya sa ibabaw ng kama at tumingin sa nakahigang binata.

"Tara na. Nagugutom ka na ‘no?" tanong ni Lei. Tinaasan niya ng kilay ang binata, "Kung hindi ka pa siguro nagugutom hindi ka magigising," usal niya.

Umupo ang binata na nakapuot, "Next time, we will not eat late. I promise," he replied.

"Promise-promise, ilang ulit mo nang sinabi 'yan, e. Tara na nga." Tumayo siya sa kama at sumunod naman si Phoenix sa kaniya. Kinuha kaagad ng binata ang kamay niya para hawakan.

"You want a piggyback ride, love?" tanong niya at tumawa.

Kuminang ang mga matang inaantok ng dalaga dahil sa sinabi niya, "Sige, gusto ko 'yan!" sabi niya. Umupo si Phoenix at agad namang sumampa si Lei sa likod niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora