Chapter 30

7.5K 231 7
                                    

Nagkulong sa kwarto si Lei habang umiiyak at hindi kumakain. Mugtong-mugto ang mga mata niyang nakatulala at nakatingin sa kisame.

"Ito na ba ang bayad ng lahat ng ginawa ko? Ang sakit? Ang madurog ako?" tanong niya at hinayaang tumulo ang mga luha niya.

Biglang nabulabog si Lei sa loob ng kwarto, "ATE! ATE! Buksan mo 'tong pinto may mga pulis sa labas!" malakas na kumatok ang mga kapatid niya pero ang nakaagaw ng atensyon niya ay ang pagsambit nitong pulis.

Kumunot ang noo ni Lei at pinunasan ang mga luha niya. Bigla siyang ginapangan ng kaba at takot sa loob niya. Bakit pa sila nandito? Huhulihin ba nila siya? Nahuli na ang nanay niya hindi ba? Ang daming tanong ang gumugulo sa isip niya. Hindi kaya?

Nagmadaling lumabas si Lei at hinanap ng mga mata niya ang sinasabing pulis. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Lala, nasaan sila?" tanong ng dalaga, "Bakit daw?"

Tinuro ni Lala ang pinto sa labas. Kaya hinakbang niya ang mga paang kasing bigat ng poste dahil ayaw nitong humakbang. Pagdating sa pinto ay nakita ng dalawa niyang mga mata ang nakasuot ng kulay asul na uniporme ng pulis, may hawak na papel sa kanang kamay nito.

"A-Aarestuhin n-ninyo po ba ako?" nauutal na tanong ng dalaga. Hindi niya maiwakli ang naramdaman na parang may tumatakbong kabayo sa loob ng dibdib niya.

Umiling ang pulis at binigay sa kaniya ang sulat, "Pinabibigay sa'yo ng nanay mo," sabi ng babae.

Kumunot ang noo niyang kinuha ang nakatuping piraso ng papel, "Ano 'to?" nagtataka niyang tanong. Pinagmasdan niya itong mabuti.

"Na-hospital arrest ang nanay mo matapos niyang mahatulan ng patung-patong na kaso, Ms. Dimaano." Napatakip ng bibig si Lei at muling lumandas ang mga luha niya. Hindi pa pala ito nauubos sa buong gabi niyang iyak. Niyakap siya ng dalawang kapatid mula sa likod.

"Namatay siya dahil sa cardiac arrest at pneumonia," dagdag pa ni Srgt. Jimines.

Biglang napaatras si Lei at umiling, "Si nanay? Namatay? Hindi," sabi niya. Ilang ulit umiling ang dalaga sa kanila at hindi makapaniwala. Malakas na umiyak ang mga kapatid niya, "Hindi siya n-namatay." Pumiyok ang boses niya. Nanlabo ang mga mata niyang tumingin sa mga pulis. "Hindi siya namatay hindi ba? HINDI 'YON TOTOO, 'DI BA?!" pasigaw niyang tanong. Pero lalo lang na bumagsak ang balikat niya ng magsalita ulit ang babaeng pulis.

"Namatay siya, hija. Kagabi lang."

"HINDI!" napaupo siya sa sahig habang tinatakpan ang mukha. Umiling siya, "Hindi namatay ang nanay ko! Malakas siya!" sigaw niya. Pilit niyang winawakli ang ideyang iyon.

"ATE! SI N-NANAY!" malungkot na sabi ng mga kapatid niya.

Pigil ang iyak ng mga pulis na nag-iwas ng tingin sa mga nag-iiyakang bata, "Puwedi niyo ng makuha ang bangkay ng nanay niyo sa punerarya matapos niyong bayaran ang lahat ng bayarin," sabi niya, "Ipapakita namin ang autopsy report sa inyo. Aalis na kami." Tumalikod na sila at nagpahid ng luha. Naaawa sila sa mga bata pero trabaho nila 'yon.

Mahigpit na niyakap ni Lei ang mga kapatid, "Sorry! Pasensya na! Kasalanan ko 'to!" sambit niya.

Umiling ang kapatid niya, "Hindi, ate! Hindi mo kasalanan 'yon! Ate, please, puntahan natin si nanay!" sabi ni Lala sa gitna ng kanilang pag-iyak. Tumango si Lei sa kaniya.

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinunasan ang mga basang luha, "Oo, p-pupuntahan natin siya. Okay?" mahinahong sabi ni Lei at niyakap ulit siya.

Ilang oras din ang iniyak nilang tatlo sa sahig bago sila naghanda para pumunta sa punerarya kung nasaan ang bangkay ng nanay niya.

NGAYON, alas-kwatro ng hapon. Nasa tapat sila ng punerarya kung nasaan ang nanay nila. Hindi kaya ng dalagang makita ito pero kailangan.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now