Chapter 25

6.7K 206 9
                                    


Mga ilaw na nagkikinangan. Halatang magarbo ang lugar. Walang tao sa paligid at sila lang dalawa maliban sa mga waiter na nakatayo sa gilid. Magkahawak kamay silang dalawa ni Phoenix na naglalakad papasok. Halos napaawang ang mga labi niya sa dinadaanan nilang mga mamahaling bagay. Patungo sa gitnang upuan na halatang itinabi para sa kanila dahil iba ito kaysa sa ibang mga mesa.

"Phoenix, sabi mo kakain lang tayo sa labas. Hindi mo naman sinabi na dito tayo pupunta," sabi ni Lei na may halong angal sa tono nito. Nakasuot lang kasi siya ng usual na damit niya.

Hinigpitan ng binata ang hawak sa kamay ng dalaga, "This is our first date outside our home, Lei. I made this special for you," sagot niya at nagbigay ng ngiti sa dalaga. Sinundo kasi siya nito sa bahay niya dahil maaga siyang natapos sa trabaho.

Inikot ni Lei ang mga mata. Ito ang unang pagkakataong pumunta siya sa ganiyang kagarbong lugar, hindi para magnakaw kung 'di ay para makipag-date sa taong mahal niya. Kaba at ligaya ang nararamdaman niyang humarap sa binata.

"Thank you, I love you..." Ani Lei at niyakap siya. Niyakap siya pabalik ng binata.

Hinaplos niya ang likod dalaga, "I love you, too. That is why I am doing this for you, love. Even if you hate this," sabi niya at tumawa. Ayaw kasing lumabas-labas ni Lei. Ayaw niya rin nagpupunta sa kung saang mamahaling lugar.

Napangiti si Lei dahil sa sinabi niya, "Oo, mabuti alam mo na ayaw ko dito. Pero nagpapasalamat pa rin ako, Nix," tugon ng dalaga. Unti-unting natutunaw ang puso niya sa bawat may gawing surpresa ang binata. Hindi lang sa bagay kung 'di pati na rin sa ugali nito.

"Thanks, God. You didn't leave me here and go home instead," aniya at hinalikan siya sa tuktok ng ulo nito, "Let's eat now and go home."

Ipinanghila siya ni Phoenix ng upuan. Magkaharap silang dalawa. May nakalatag na mga pinggan at kubyertos sa ibabaw ng mesang may kulay puting mantel na nakapaligid dito.

Kumunot ang noo niyang tumungin sa madaming kutsarang nakabalandra sa harapan niya, "Bakit ang daming kutsara?" nagtatakang tanong ni Lei. Mula sa maliit hanggang sa pahaba. Ang alam niya lang ay ang kutsarita at kutsara.

Imbis na tumawa ay sumeryoso ang mukha ng binata sa kaniya. Tumingin siya sa waiter at tinawag ito.

"Yes, sir?" tanong niya.

"Hindi ba sabi ko sa inyo, isang kutsara lang ang ilalagay? Ba't ang dami pa rin?" naiinis na tanong ni Phoenix sa kaniya.

Napatingin naman ang dalaga sa kanila.

"Sorry, sir. Ipapakuha ko na lang po," sagot ng lalaking waiter sa kaniya. Nakasuot ito na kulat itim na long sleeves at parang hindi na siya makakahinga sa higpit sa leeg nito.

Pinigilan siya ni Lei, "Phoenix, okay lang. Turuan mo na lang ako, okay?" sabi ni Lei para pakalmahin siya. Gusto niyang malaman kung para saan ang lahat ng 'yon.

Huminga ng malalim ang binata at tumango, "Okay, love. Ready na ba ang pagkain?" tanong niya sa waiter.

"Opo, naghihintay na lang kami ng signal mo, sir," sagot niya na tila ay kinakabahan.

"Alright, ihanda niyo na ang unang meal, please..." Utos niya at ngumiti sa dalaga. Nagpakawala naman si Lei ng tipid na ngiti.

Tumalikod na ang waiter sa kanila.

"Our first meal is soup, love. You will use that one. 'Yong malalim na kutsara." Sabi niya at ipinakita sa dalaga.

Tumango si Lei at hinawakan ito. Ngumiti siya dahil sa tuwa. Ni-serve nila ang soup kaya agad nila itong hinigop.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon