Chapter 21

6.5K 200 1
                                    

Pagdating ni Lei sa quarters ay naagaw niya kaagad ang pansin ng lahat. Para siyang Amerikana dahil sa blonde nitong buhok. Nakasuot siya ng kulay yellow-green na bonet at butas-butas na pants.

"Oh?! Tingin-tingin niyo diyan? Ngayon lang kayo nakakita ng maganda?!" asik niya habang binigyan sila ng masamang tingin.

Pagdating sa harapan ng boss niya ay agad niyang sinipa ang upuan na para sana sa kaniya. Pinatong ng dalaga ang isa niyang braso sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatingin sa kaniya ng seryoso, merong sigarilyo sa gitna ng bibig nito na hindi pa nasisindihan.

"Nasaan na, boss? Gusto ko ng taposin 'to," aniya at nilabas ang lighter mula sa bulsa. Agad niyang pinaapoy ito at sinindihan ang tabacco ng boss niya.

Tumalikod siya at umupo sa taas ng mesa nito. Hindi man lang natakot kung ano ang pweding gawin ng boss niya sa kaniya. Ang ibang kasamahan niya ay napapatakip ng mga mata dahil sa takot at ang iba naman ay nahulog ang mga panga na hindi makapaniwala.

"Anong meron, Lei? Bakit nag-iba ata ang buhok mo?" tanong ni Boss J habang mahinang tumatawa.

"Kailangan mo pa bang itanong 'yan? Sa susunod magpapakalbo na ako," sabi niya. Naging sarkastiko ang tono ng dalaga kaya napaayos ng tingin ang mga kasamahan niya.

Napailing ang matabang lalaki habang tumataas ang isang gilid ng labi nito, "Napakahambog!" sigaw niya sabay taob ng mesang inuupuan ng dalaga.

Natumba ang mesa pero nanatiling nakatayo ang dalaga, blangko ang mukha nitong habang nililibot ang tingin. Umismid siya saka lumingon sa boss na ngayon ay nagsisimulang uminit.

"Sinong hambog?" maang-maangan niyang tanong, "Tinutukoy mo ba ang sarili mo?" dagdag niya at nagpakawala ng mapaglarong ngiti.

Kitang-kita ng mga mata niya ang pagyukom ng kamao ni Boss J habang umiigting ang mga panga nito at halatang nagpipigil siya ng galit.

Dahan-dahan nitong hinakbang ang mga mabibigat niyang paa patungo sa dalaga. Nanlilisik ang mga mata at nagkakasalubong ang dalawang kilay. Hindi nagpatinag si Lei at pinanlilisikan din ito ng mga mata. Hanggang sa ilang hakbng na lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Hinawakan niya ang magkabilang panga ng dalaga, "Sino ka sa tingin mo at ganiyan ka magsalita, ha?!" tanong niya. Gumagawa ng tunog ang mga ipin nito dahil sa gigil. Kahit isang kurap ay hindi ginawa ni Lei. Pilit niyang nilalabanan ang matanda gamit ang mga mata niya.

"Bakit? Sino ka rin ba? Isa ka lang naman buwaya sa pera...palaki ng palaki ang utang namin sa'yo kahit araw-araw may kita kami!" pilit niyang sigaw habang humihigpit ang piga ng boss niya.

"Lei...Lei...Lei, 'wag kang gumawa ng kuwento. Sa sobrang laki ng utang mo," simula niya, "Kulang pang pambayad ang katawan mo. Tandaan mo 'yan," sambit niya at malakas na tinulak ang dalaga sa sahig.

Agad naman na naman na natukod ni Lei ang isang braso, "Bw*sit ka," bulong ng dalaga.

Nagsimula ng tumalikod amg matanda at bumalik sa puwesto niya. Dinalohan naman si Lei ng mga kasamahan niyang hindi niya kilala para tulungan itong tumayo.

"Bitawan niyo nga ako!" malakas niyang sigaw at mag-isang tumayo.

Pinagpag niya ang nadumihang puwet at paa ng may tumamang folder sa mukha nito. Sapol na sapol at nagsiliparan ang mga ito.

"'Yan! Pag-aralan mong mabuti. Bibigyan kita ng dalawang buwan para makuha ang mamahaling alahas na 'yan!" tugon ng amo niya.

Isa-isa niyang pinulot ang mga puting papel sa maduming sahig at binalin sa folder na kinalalagyan nito.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon