Chapter 2

12K 355 6
                                    


"Badtrip naman!" reklamo niya. Ngayon ay nakaupo siya sa sariling upuan sa loob ng quarters, hinihintay na dumating ang boss nila, "Nagpupo ba 'yon? Bakit ang tagal niyang lumabas?" tanong niya.

"Sa tingin mo alam namin?" tanong ni Xander habang nakaipit ang sigarilyo sa gitna ng daliri niya.

Umayos siya ng upo at tinakpan ang bibig niya, "Hala, pare. Baka may diarrhea siya," sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Sinong may diarrhea?" biglang pagsulpot ng isang malaking tinig. Lumingon siya at nakitang paika-ika kung maglakad ang boss niya.

"Hi, boss. Oh? Ano na naman ang nangyari sa'yo? May diabetic ka ‘no?" tanong niya na may halong pangungutya.

Umayos siya ng upo saka humarap sa kaniya. Lihim siyang tumawa at gano'n naman ang pagsiko ni Xander sa tagiliran niya at pagsipa ng mga kaibigan sa upuan niya.

Umitim ang mga mata ng boss niya at nilahad ang kamay sa katabi niyang bodyguard. Para siyang mamatay sa titig na 'yon pero 'di alintana iyon ni Lei. Sa pagkunot ng noo niya ay nanlaki ang mga mata ni Lei sa hawak niyang armas.

"Bago armas niyo, boss? Ayos ah?" pagkamangha niyang tanong. Gusto pa sana niyang lapitan pero baka mamatay na siya. Napailing at pabulong na nagmura ang mga kaibigan niya at gano'n na rin ang takot sa mga mata ng iba.

Malakas iyong tumama sa mesa sa paghampas nito. Napatakip si Lei ng bibig hindi dahil sa gulat at takot kung 'di ay dahil sa pigil na tawa. Gustong-gusto niya talagang laging sinasagad ang pasensya ng boss nila.

"Gusto mo ba talagang barilin kita?" tanong niya. Kumuyom ang panga ng boss nila habang ginagalaw ang daliri sa gatilyo ng baril.

Tumaas ang dalawang kamay ni Lei sa ere, "Chill, boss. Mawawalan ka ng magandang dilag dito kapag nagkataon," sabi niya at matamis na ngumiti.

Napa-facepalm si Boss J at umiling, "Napa-bwesit mo talagang bata ka." Komento niya at binalik ang baril sa kasama.

Napa-cross arms siya saka nagkibit-balikat, "Ano ba kasi ang meron?" tanong niya.

"Oo nga, boss. Bakit mo kami pinatawag?" dagdag ni Pedro.

"Hindi ba kayo nanunuod ng balita?" tanong niya pabalik, sumandal sa upuan, "Ibinalita na ang pagkawala ng alahas ni Mrs. Montenegro, at kasama kayo sa balita."

"Ows? Eh, mainit kami ngayon sa labas? Iba naman ang hitsura ko do'n ah? Hindi naman siguro ako makikilala," sabi niya na parang walang problema. Pero sa paglipas ng ilang segundo bigla siyang nangamba na baka bigla siyang dakpin saka ikulong at walang magpapakain sa pamilya niya. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"Hindi ba muna kami lalabas, boss?" tanong ni Xander kasabay ng malakas na pagbunga ng hininga.

Napatitig si Lei sa boss nila na nananatiling nakatungo, "Mag-iisip pa tayo ng paraan. Medyo may kamahalan ang kwintas na 'yon kaya siguradong lahat ng tao ay nakatutok," sagot niya, "Apat kayo ang sinusupetyahan, pero wala siyang ebidensya."

Napakagat-labi si Lei at umiling, "Kaya wala tayong dapat ikatakot, wala siyang pruweba at tsaka hindi na bago sa atin 'to ‘no!" sabi niya na may lakas ng loob. Sa pag pintig ng puso niya ay kaakibat ang malakas at nag-uumapaw na takot.

"Sige, lumabas na muna kayo. Tatawag ako sa inyo kapag nayari, mag-ipon muna kayo ng pera kung sakali," huling sinabi niya bago sinimulang ihakbang ang mga paa.

Nagsilabasan na ang lahat pero nanatili ang apat na tahimik sa loob. Nakakunot ang noo, nakataas ang kilay at pinaglalaruan ang daliri.

"Ano ang plano?" tanong ni Boboy.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now