Chapter 23

6.4K 188 1
                                    

Pagkalipas ng mga araw ay gusto daw makilala ng mommy ni Phoenix ang dalaga. Noong una ay ayaw niya dahil nahihiya itong malaman nila na hindi sila magkaantas pero dahil ayaw niyang magalit ang binata pumayag na lang siya. Matagal na rin naman silang nagsasama, balak na rin niyang ipakilala ang binata sa nanay niya.

Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya mula sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Nasa labas kasi ang damit niya, pinilit niya ang binatang magsuot siya ng hindi naman gano'n ka mahal na dress na bili niya. Gusto kasi ni Phoenix na kung ano siya, gano'n na lang ipakita niya. Nakakahiya naman kung susuotin niya ang butas-butas nitong pantalon.

Nakita niya ang binata nakasandal sa headboard at nakapikit.

"Maligo ka na, magbibihis na ako," sabi ni Lei.

Napamulat ng mga mata si Phoenix at lumingon sa kaniya, "I don't want you to wear that sexy dress," angal ng binata at bumalik sa pagkakapikit.

"Phoenix, naman! Ayoko namang magmukhang tambay sa pamilya mo!" sigaw ng dalaga sa kaniya.

Nagmatigas ang binata, "Whatever you say! Hindi mo naman kailangang maghanda para sa kanila, they are not important!" tumaas din ang boses nito na hindi tumitingin sa dalaga.

Kumunot ang noo ng dalaga sa kaniya. Napapadyak siya ng mga paa patungo sa closet ng binata at naghanap ng damit. Nagbihis siya ng pambahay at naglakad papunta sa pinto.

"Kung ayaw mong umalis, edi 'wag! Sabihin mo sa kanila ha?! Na hindi na tayo pupunta," sabi niya bago malakas na sinarado ang pinto. Halos masira ito dahil sa inis niya.

Bumaba siya ng hagdan at deretsong nagpunta sa living room. Kinuha niya ang remote at pinaandar ang TV. Kahit hindi pa nasusuklay ang buhok niya humiga siya sa couch at itinuon ang atensyon sa harap ng telebisyon.

Ilang ulit na niyang nilipat ang channel pero wala pa rin siyang makitang magandang palabas.

Sa kabilang banda ay tumayo si Phoenix habang umiigting ang mga panga patungo sa cellphone niya.

"Nakakainis, gusto ko lang naman na hindi siya sexy, eh. My sister's husband is there too," bulong niya sa sarili bago dinial ang number ng mommy niya. Nakapameywang niyang binuksan ang bintana sa kwarto niya. Gabi na at tanging mga ilang na lang ng gusali ang makikita. Bumuntong-hininga siya.

"Anak! Papunta na kayo? Nakapaghanda na kami ng pagkain," maligayang sambit ng mommy niya. Lumabi ang binata saka sumandal sa salamin mg kwarto niya.

"Mom, hindi na kami pupunta. Nag-away kasi kaming dalawa, e. Nagtatampo siya ngayon..." Para siyang batang nagsumbong sa nanay niya. Lalo siyang pumuot habang pinalalaruan ang kurtina sa tabi niya.

Nakarinig siya ng tawa mula sa kabilang linya kaya kaagad siyang nakaramdam ng hiya, "Anak, ano ba kasi ang ginawa mo kung bakit siya nagtatampo?" tanong ng mommy niya habang natatawa.

"I don't want her to wear the sexy dress she bought, mom. That's too sexy besides Cholo is there!" sabi niya at agad kinuyom ang kamao.

"Hey, I am not going to steal your girl, Phoenix! Come on! I have my wife and daughter now!" sigaw ni Cholo sa kaniya.

He rolled his eyes, "Yeah, whatever you say, Cholo! Mom, i'll hang this up now. Maliligo muna ako," ani Phoenix at pinatay ang tawag. Agad niyang tinapon ang phone sa malambot niyang kama at dumeretso sa shower.

Binilisan niyang magligo. Baka maisipan ng dalagang iwan siya sa bahay. Kuskos dito at doon. Sinigurado niyang nakapagsabon sa buong katawan. Nagbanlaw siya at agad na lumabas.

Nagbihis kaagad siya ng kulay puting damit at boxer shorts. Nagpunas siya ng buhok at agad na nagsuklay.

Bumaba siya mula sa kwarto nang dahan-dahan...pinipilit niyang silipin ng dalaga kung nasaan pero hindi niya makita. Bumaba siya ng ilang hakbang ng makitang nakahiga ito sa couch. Umirap siya at nagmadaling naglakad.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now