Chapter 27

5.8K 178 0
                                    

Explicit content ahead. Read at your own risk.

Naghanda ng pagkain si Phoenix para sa kaniya. Nakaupo lang si Lei sa upuan habang nakatitig sa binatang ngayon ay nilagyan ng pagkain ang pinggang nasa harapan niya.

"I cooked this," sabi niya habang nakangiti. Tila ay proud na proud siya sa sarili habang hinahain ito.

"Mukhang masarap." Komento ni Lei.

Napahinto ang binata at tumingin sa kaniya, "Bakit parang ang tamlay mo ngayon, love? May problema ba? May sakit ka ba?" sunod-sunod niyang tanong at nilagay ang likod na bahagi ng kamay nito sa leeg ng dalaga, "Hindi ka naman mainit," dagdag niya.

"Okay lang ako, ano ba, Nix." Mahinang kinuha ng dalaga ang kamay ng binata mula sa leeg niya. Bigla siyang nawalan ng ganang kumain. Napatingin lang siya sa harapan niya, "Kung ikaw na lang kaya ang kumain niyan?" tanong ni Lei.

Imbis na sagutin siya ay lalong nagtaka ang binata, "Why do you have a cut in your lips?" tanong niya at naghila ng upuan papunta sa tabi nito. Hinawakan ng binata ang baba niya at pinatagilid, "Love, saan 'to galing? May nanakit ba sa'yo?" naniningkit ang mga mata niyang naghintay ng sagot mula dito.

Umiling si Lei sa kaniya, "Wala naman. Nakagat ko lang. Sige na, kakainin ko na 'to," sagot niya at kinuha ang kutsara at tinidor para hindi na siya usisain pa.

Umigting ang panga niya, hindi siya naniniwalang wala lang ito, "Don't lie to me, Lei! Bakit may pasa ka?" tumaas ang boses ng binata pero hindi ito pinansin ng dalaga bagkos ay nagpatuloy lang siya sa pagkain at pilit na nilulunok ito kahit ayaw ng lalamunan niya.

"Lei, I'm talking to you!" sigaw niya.

Nilapag ni Lei ang kubyertos na hawak niya at huminga ng malalim, "Wala lang 'to, Nix. Maliligo muna ako at may sasabihin ako sa'yo pagkatapos." Tinulak niya ang pinggan na may lamang pagkain at tumayo.

"Anong sasabihin? Why can't you finish that first?!" tanong niya sabay sabunot ng buhok. Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Parang may iba, nararamdaman 'yon ng binata. Humarap siya kay Lei, "I'm sorry, I'm mad." Niyakap niya ng dalaga ng mahigpit. Sobrang higpit.

Hindi maiwasan ng dalagang maluha. Pinipigilan niya itong tumulo kaya napatingala siya sa taas.

"I'm sorry, dapat hindi ako nagalit," bulong ni Phoenix sa kaniya.

"Shhh...okay lang, Nix. I love you," sabi ng dalaga sabay kagat ng labi niya. Hinaplos niya ang likuran ng binata.

"Thanks, God. I thought you don't love me anymore. I love you too, I love you," usal niya. Sa mga salitang 'yon ay tila nawalan ng lakas ang dalagang magsalita. Naiiyak siyang yumakap mg mahigpit sa binata. Siniksik niyang ang kaniyang mukha sa leeg nito. Kumawala ang mumunting hikbi sa bibig niya.

"I l--love yo--u, sobra, Phoenix. Sorry..."

"W--why are you crying, love? It's nothing. Okay lang kung hindi mo kainin 'yan, I can cook again," sagot ng binata sa kaniya. Lalong lumakas ang iyak ni Lei sa leeg niya. Tumulo ang mga luha nito at lumandas sa balat ng binata.

"So--rry sa lahat. Kung hindi ko naging mabuting girlfriend sa'yo," sambit niya sa gitna ng paghikbi. Ang sakit, parang nadudurog siya ng sobra-sobra.

Umiling ang binata at hinaplos ang buhok niya, "No, you are perfect, love. You took care of me perfectly! No doubt," he explained. Hinalikan niya ang ulo ng dalaga saka binuhat ito, "Let's go upstairs, don't cry please..."

Pumulupot ang mga paa ni Lei sa beywang niya. Nakahawak naman ang binata sa puwetan ng dalaga bilang alalay.

Basa ng luha ang mukha ni Lei at mahinang humikbi. Sa sobrang bait ng boyfriend niya, ang hirap nitong saktan. Hindi niya kaya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kwarto nila, pumasok si Phoenix na hindi binababa ang dalaga. Kalong-kalong niya ito hanggang sa loob.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now