Chapter 20

7.2K 197 1
                                    

Kinabukasan ay nagpahatid ang dalaga sa labas ng village nila. Nakasuot siya ng damit ng binata, itim na sumbrero at shades na hiniram niya. Baka may makakilala sa kaniya at isumbong sa pulis.

"Are you sure you don't want me to drive you in? Malapit lang ba ang bahay niyo?" tanong niya. May bahid ng pag-aalala ang mukha nito habang hawak ang kaniya.

Kinakabahan man pero tiningnan ng walang pag-aalinlangan ni Lei si Phoenix. Nagpakawala siya ng matamis na ngiti sabay tumayo.

"Love, hindi naman puweding dito lang kita iwan. What's the use of my car?" tanong niya ulit at hinubad ang seatbelt sa katawan niya.

Bumuntong-hininga ang dalaga at umiling, "'Wag ng magtanong, okay? Kailangan mo na ring umalis, may trabaho ka pang gagawin, Phoenix." Aniya habang nakakunot ang noo.

Ngumoso ang binata at nag-iwas tingin, "Love, please..." Pilit na inbot ng binata ang balikat niya para sumandal pero umatras ang dalaga.

"Hep!" pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. Nasa mukha niya ang daliri nito na parang pinagbabantaan, "'Wag na! Sa tuwing sumasandal ka sa'kin may nangyayari, ayokong may mangyari dito sa loob ng kotse!" sabi niya gamit ang malakas na boses.

Tumaas ang gilid ng labi ng binata, "I rather choose to make love with you in our house than here, love. But, thanks for the idea, let's do that next time," tugon niya at kumindat. Nakatingin lang ang dalaga sa bawat bigkas ng bibig niya. Ang sexy kasi nito dahil sa natural na mapula at kaakit-akit.

Agad na bumalik sa sarili si Lei at umiling, "Ayan ka na naman! Sige na, aalis na ako. Male-late ka na, e. Tatawag ako mamaya sa'yo," aniya at hinbubad ang suot na seatbelt.

Nilaglag niya ang shades mula sa ulo at pinatong sa ilong niya. Sinuot ng maayos ang sumbrero  at lumingon sa binata. Deretso lang itong nakatingin sa kaniya at hindi nagsasalita.

"Oh? May problema?" maangas niyang tanong at sinuot ang bag.

Umiling ang binata sa kaniya, "Nothing, you look more beautiful wearing that kind of clothes." Komento niya at matamis na ngumiti.

Napakamot ng ulo ang dalaga. Hindi siya sanay sa mga compliment kaya nahihiya siya kapag sinasabihan siya ni Phoenix.

"Edi sige."

Kumunot ang noo ng binata sa kaniya, "Anong edi sige? Anong sagot 'yan?" tanong niya.

"Wala. Bilis na, halik na! Ito lang naman ang hinihintay mo, e." Pagbibiro ng binata. Ngumuso siya para sa isang halik sabay lapit ng mukha.

Nilapit din ng binata ang mukha niya. Agad niyang nilapat ang mga labi at nilaliman ang halik. Hinawakan ng binata ang magkabilang pisngi nito at naging banayad ang mga halik niya. Ilang segundo pa ang lumipas ng agad itong bumitaw at ngumiti.

Sinipsip niya ang bibig saka nagsalita, "I love you," sabi niya.

Lumabas ng kotse ang dalaga at dala ang kilig na naipon niya sa loob. Pangiti-ngiti siya at tila ay high school na kinikilig sa crush. Pag-alis ng kotse ay agad siyang tumakbo papunta sa loob. Medyo malayo pa ang bahay nila kaya kailangan niyang bilisan. Kahit tumatahol ang mga aso ay hindi niya ito pinapansin.

Huminto siya sa harapan ng bahay nila at napahawak sa tuhod. Habol ang hininga niya habang umiiling. Taas baba ang dibdib niya habang ang tingin ay sa baba.

Parang tumigil ng mundo niya ng makarinig ng pagbasag ng salamin. Napatingin siya sa loob. Rinig na rinig niya ang sigawan ng mga kapatid niya at nanay niya.

Malakas na kumabog ang dibdib niya at hinakbang ang mga paa papasok sa loob ng gate. Sinarado niya kaagad ito. Sumilip siya sa nakaawang na pinto. Napatakip siya ng bibig ng makita ang puro nakaitim na lalaki sa sa loob.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now