Chapter 37

7.9K 220 1
                                    

"Dad!" untag ni Lei pagkatapos bumaba sa kotse. Nasa labas kasi ito at nagkakape. Nakasuot siya ng sumbrero at kulay itim na shades.

Nagulat naman ang matanda dahil sa pagdating nila. Napatayo siya at binigyan ng yakap ang anak. Napansin nito ang pagiging masigla at liwanag ng mukha niya.

Mahigpit na niyakap ni Lei ang ama. Siniksik niya ng mabuti ang mukha sa dibdib nito.

"Anak, kamusta? Napaaga yata ang uwi ninyo?" tanong niya at lumingong kay Xander na buhat-buhat ang natutulog na si Phyton.

"Okay lang, dad. Salamat sa lahat-lahat," sambit niy na hindi pa rin kumakalas sa yakap. Nagtaka naman si Manuel na tinaponan ng tingin si Xander pero nagkibit-balikat lang ito.

"Naku! Anak, wala lang 'yon. Mukhang pagod ka na. Pumasok ka na sa loob," sabi ng daddy niya at pinunasan ang pawis nito sa ulo.

"Dad, nakakaalala na ako!" sambit niya at hinawakan ang magkabilang kamay ng daddy niya.

Gulat naman at takot ang hatid nito sa ama niya, "H-ha?!" tanong niya.

Napangiti si Lei sa kaniya, "Nakakaalala na ako. Kung iniisip mo na galit ako sa'yo, hindi okay? Nagpapasalamat nga ako sa'yo, eh,", sabi niya dito.

Lumiwanag ang mukha ng daddy niya. Nakahinga ito ng maluwag, "Salamat naman, anak." Niyakap niya ulit si Lei ng mahigpit.

"Sinabi na sa'kin ni Xander ang lahat. Isang tanong na lang ang itatanong ko sa'yo, dad. Kung naglayas si nanay, bakit hindi mo kami hinanap?" tanong niya.

Hinawakan ni Manuel ang pisngi niya at tipid na ngumiti, "Dahil may iba na siyang mahal, anak. Pasensya na kung hindi kita binalikan pa. Ayaw ko naman iparanas sa'yo ang buhay ko," sambit niya.

Hinawakan ng anak niya ang palad nitong nasa pisngi niya, "Ang importante magkasama tayo ngayon, 'di ba?" tanong niya ulit. Sobrang lawak ng ngiti niya sa daddy nito.

Tumango ang matanda sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na ganito kabait ang anak niya. Pinalaki siya ng maayos ni Esme. Hindi niya man nakapiling ng ilang taon pero bumabawi na siya.

Nagpahinga sa loob ng kwarto nila si Lei at Xander. Magkatabi silang nakasandal sa headboard ng kama habang ang anak ay natutulog sa gilid ni Lei.

"Sa tingin mo kung niligawan kita noon, sasagutin mo ako?" biglang tanong ni Xander sa kaniya.

Biglang napangiti si Lei sa kaniya, "Ewan. Ang hirap naman kasi taluhin ang mga kaibigan, Xand," sagot niya.

"Mabuti na lang at hindi kita tinalo. Kung 'di walang Phyton ngayon dito," natatawa niyang sambit.

Napailing si Lei sa kaniya habang tumatawa, "Kayamanan ko 'yan nuh!" komento ni Lei sa anak.

"Ako rin, eh. Paano ako kapag bumalik kayo sa kaniya?"

Biglang natahimik si Lei sa tanong na 'yon. Gumuhit ang kirot sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot at ayaw bumuka ng bibig niya.

"Xander," sambit niya, "Sa tingin mo puwedi pa kaming bumalik sa kaniya?" tanong niya dito. Hindi niya rin naman alam kung ano ang mangyayari pero naaalala niyang mas gusto niya na lang na maging Lei kung paano siya nito tintrato.

Hindi lumingon si Xander sa kaniya, "Mahal mo pa?" malamig nitong tanong.

Napatingin si Lei sa anak niya. Gusto niya ring makilala nito ang totoo niyang ama, "Kahit anong pilit kong isipin na hindi, hindi ko magawa, Xand. Mahal ko talaga siya, eh," sambit nito, "Nasaktan man ako pero 'yong nararamdaman ko dito," tinuro niya ang dibdib niya. Sobrang lakas ng pintig nito, "Gano'n pa rin. Ilang taon man ang lumipas, siya pa rin..."

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now