Chapter 6

9.8K 354 16
                                    


Ilang linggo na rin ang pamamalagi nila sa lugar at napansin ng dalaga na parang nag-iiba ang kilos ng dalawang binata sa tabi niya. Gano'n din ang mga tao sa paligid niya, nawiwili sa pinagagawa ng dalawa.

"Ready na ba ang mga gamit niyo? Medyo malayo-layo ang lalakarin natin. May matutuluyan naman tayo doon," sabi ni Lando. Siya ang nangunguna sa grupo na dala ni Phoenix, siya din kasi ang may alam ng mga lugar dito.

"Opo!" sagot ng lahat.

May dala-dala ang lahat ng backpack at ang iba ay travel bag. Nauna na ang mga packs ng pagkain sa lugar. Nagsisimula na rin daw silang magluto para sa mga bata.

"Kailangan na nating umalis para hindi tayo maabutang ng mainit ma sikat ng araw," dagdag pa nito at nagsimulang maglakad. Sumunod si Lei sa matanda at katabi si Phoenix. Suot ang kupas niyang sapatos at butas-butas na pants at sumbrero- ay ready na siya.

"Ilang years mo nang ginagawa 'to?" bigla niyang natanong.

"More than five years I think," sagot nito na hindi man lang lumingon sa kaniya.

Napatango si Lei at deretsong tumingin sa daanang madaming alikabok at lubak-lubak.

Naging kuryoso naman lalo si Lei sa kaniya. Hindi lahat ng tao napagtutuunan ang mga taong nangangailangan, "Bakit mo ginagawa 'to?"

"Because I want to, why are you asking?" tanong niya pabalik.

Bumuntong-hininga siya saka nagsalita, "Dahil malaking bagay 'to sa mga taong mahirap at kapos." Mapait siyang ngumiti habang nakatingin sa mala-asul na kalangitan.

Kung sana ay may tumutulong din sa kanila, kung hindi lang nag-ibang babae ang papa niya. Siguro ay hindi niya kailangan magtago, tumakbo at palihim na umiyak kapag sa tingin niya ay wala siyang karamay sa buhay.

"Yeah, I know. That is why I am helping them. They needed it and I will provide what I can." Seryoso niyang sambit na nakapagpaliwanag sa kalooban niya.

Minsan lang siya nakakasalamuha ng mga ganiyang tao, madaming tao ang lubog sa pera-mayaman, pero konti lang ang nakakapagbigay tulong sa mga nangangailangan.

"Ang bait talaga..." Sabi niya dito at lumawak ang ngiti.

Pigil naman ang ngiti ng binata sa kaniya. Biglang umagos sa utak niya ang ala-alang kung paano niya ito ninakawan nang nasa manila pa sila. Napakagat-labi siyang nagmadaling naglakad.

"Hey! Why are you in hurry?" tanong ni Phoenix na may halong pagtataka sa mukha niya. Nakataas ang kilay niya at nakakunot ang noo.

Nasa likuran siya ni Lei, nakasunod at naghihintay na sagotin, "Hey! Are you deaf now?"

"Hindi, nawalan lang akong gana na kausapin ka." Pagsisinungaling niya.

Ang totoo ay nako-konsensiya siya sa ginawa nito sa kaniya. Oo medyo masungit siya pero mabait si Phoenix. Alam niya 'yon, nakikita niya at naramdaman niya.

"What? That fast? Damn...ano ba ang ginawa ko?" tanong niya at mabilis na naglakad papunta sa tabi niya, "Lei, hello."

"Phoenix, mamaya na tayo mag-usap." Napasimangot si Lei at hinawakan ng mahigpit ang backpack strap niya.

"No way. Ano ako? Pampalipas oras mo?"

Napahinto siya ng lakad at masamang tiningnan ang binata. Napabalik din ng lakad si Phoenix sa gawi niya at hinarap ito. Mata sa mata. Para siyang nalulunod sa mga magagandang kulay abong mata nito na tila ay nangungusap sa kanilang pagtitigan.

"Anong pinagsasabi mo?" she asked, raising her brows.

"Anong sinabi? Ang pam...palipas...oras?" paguulit nito at bahagyang itinulak ang ulo niya gamit ang daliri nito, "Bakit may mali ba akong sinabi?" tanong niya ulit at umismid. Pilit siyang ngumiti at nagsimulang maglakad ulit.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now