Chapter 17

6.7K 241 18
                                    

Alert ⚠️ R-18 ahead ⚠️ Read at your own risk
_____________________________________

Lumipas ang mga araw at mga linggo na hindi nila namamalayan dahil sa kasiyahan, pagiging kuntento sa buhay at pagiging simple na mamamayan. Walang naghahabol, takbuhan at taguan na nangyari hindi kagaya ng buhay niya sa Manila. Kahit saan na sila napadpad sa tinatagong kagandahan ng Sta. Catalina, naikot na nila ang lugar maliban sa kabilang lampas na inaasam-asam ni Phoenix.

Sa unti-unting paglamon ng karagatan sa araw ay naging kulay kahel ang kalangitan. Nagbibigay ito ng kakaibang kapayapaan sa kanilang puso.

"Sayang, uuwi na tayo sa susunod na araw," sabi ni Phoenix. Kasalukuyan niyang yakap-yakap si Lei mula sa likuran at nakapatong ang baba sa ibabaw ng balikat nito. Ilang buwan na rin sila sa lugar at tila ay kulang pa ito para sa binata.

Hinawakan ng dalaga ang nakapulupot nitong braso sa tiyan niya, napapikit siya at sumandal sa matikas na katawan ng binata.

"Kailangan, eh. Bakit ayaw mo pa bang umuwi? Paano ang pamilya mo?" tanong ni Lei sa kaniya.

Huminga ng malalim ang binata, "Ayaw kong umuwi pero kasi...andami kong trabaho na gagawin," sagot niya at tumawa, "Maraming nakatambak na papeles sa mesa ko na kailangang permahan." Nanginig ang katawan nito dahil sa pagtawa.

Napailing si Lei, "Parang wala lang sa'yo 'yon, ano? Ganiyan ba talaga kapag bilyonaryo?" tanong ni Lei.

"No, hindi naman gano'n kadali humawak ng isang kompanya, Lei. 'Di bale, tuturuan kita pag-uwi natin," tugon niya at mabilis na hinalikan ang leeg nito.

"Parang tanga!" pinunasan niya ang leeg habang nakakunot ang noo, "Halik ka nang halik, paano kung madumi?!" singhal niya.

"You are so cute when you are mad, I like it," matamis niyang sabi, "But seriously, Lei. You told me last time that you didn't finish your college years," napatingala ang binata sa pag-aalangan. Alam niyang hindi papayag ang dalaga sa sasabihin niya pero gusto niyang magbakasakali.

"Oo, bakit?" mabilis niyang tugon.

"Do you want to continue it? Sayang din 'yon. Paaaralin kita," sabi niya at pumikit.

Binaklas ni Lei ang mga braso niya. Nagsimula na siyang magwala.

"Hindi, ayoko. 'Wag ka ng magsayang," sambit niya.

Binuksan niya ng kaniyang mga mata at tumingin sa dalagang ngayon ay lumalabas ang usok sa ilong niya.

"Why do you need to take off my arms around your waist? You can simply answer me with a no!" he said. He crossed his arms and pouting his lips, "Come back here," he added, opening his arms for her.

Umikot ang mga mata ng dalaga bago bumalik sa puwesto niya, "Good, Lei. Such an obedient girlfriend," aniya at pinulupot ulit ang mg braso.

"Ayokong paaralin mu'ko, Nix." Matigas niyang sambit at malakas na isinandal ang ulo niya sa balikat ng binata.

"Aw, Lei!" daing niya at pinitik ang tenga ng dalaga.

"Aray!" tinakpan ng dalaga ang tenga niya at akmang lilingon sa likod dala ang masama niyang mukha pero pinigilan siya ni Phoenix.

Ngumisi ang binata, "I'm sorry. I will not do it again," sabi niya at nagtago sa likod ng dalaga.

"Ewan ko sa'yo!" tugon ni Lei.

"But seriously, Lei?! Are you joking? I am your boyfriend, I can provide and do everything just for you," ani Phoenix.

Ngumuso ang dalaga at nagbunot ng halaman sa tabi nila, "Ayoko nga. Ano na lang ang sasabihin nila sa'kin? Na pinapaaral ako ng boyfriend kong mayaman? Tsss..." Itinapon niya ang mga damo sa kamay niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Место, где живут истории. Откройте их для себя