★★★

Sa mga sumunod na araw ay nagpahanda ng salo-salo si Lei para sa mga kaibigan at daddy niya. Sinama niya na rin pati ang mga katulong.

"Lei, naaalala mo na ako? Sige nga, ano 'yong buhok ko noon?" tanong ni Boboy sa kaniya habang ngumunguya ng pagkain.

"Oo nga, Boboy! Tigas ng anit nito. Syempre kulot ang buhok mo, maitim ka pa no'n nuh!" sabi ni Lei sa kaniya, "Inaasar ka pa ngang uling noon, eh." Dagdag niya sabay tawa ng malakas. Nagsitawanan naman ang iba.

Nakasimangot si Boboy habang nakatingin sa kaniya, "Grabe ka naman, Lei. Moreno lang talaga ako," sagot niya.

"Oh, sige ako naman, ako naman," sabat ni Pedro sa kanila, "Ano ang buo kung pangalan, Lei? Eto, sigurado na 'to mga pre," sabi niya.

Huminto sa pagkain si Lei at tumayo sa upuan niya, "Penindro Ramos Kutong-kutong," sagot niya habang dinuduro si Pedro na nakaupo at nagbabalat ng seafood na hawak niya.

Nabitawan ni Pedro ang hawak niya habang nakaawang ang mga labi, "Alam mo?! Ang pangit pa naman ng apelyido ko!" sambit niya habang nagkalukot-lukot ang mukha.

Tumawa ng malakas si Lei sa reaksyon niya. Umupo ito sa upuan at napatingin kay Xander na seryoso ang mukha, "Bakit? May papahula ka din?" maangas niyang tanong. Sobrang laki ng nguya niya sa pagkain na nasa loob ng bibig niya.

Umiwas ito ng tingin sa kaniya at bumalik sa pagkain. Bigla namang nalungkot si Lei para sa kaniya.

Natahimik ang lahat sa hapag pero hindi napigilan ng isang kaibigan ma tanungin siya tungkol sa anak nito.

"So, alam mo na kung sino ang totoo niyang ama, Lei?" nag-aalalangan na tanong ni Boboy habang tinuturo ang bata na ngayon ay pinapakain ng yaya niga.

Tipid na ngumiti si Lei sa kanila, "Oo, naaalala ko," sagot niya. Hindi na niya dinungtungan pa ang sasabihin. Ayaw niyang lalong masaktan si Xander sa mga sasabihin niya.

Napatakip ng bibig ang dalawa. Tahimik naman na nakikinig lang si Manuel sa anak.

"So, paano 'yan? Babalikan mo ba siya?" tanong ni Pedro sabay tingin sa kaibigang si Xander.

Humigpit ang pagkakahawak ni Xander sa tinidor niya, "Stop it, Pedro. Hindi mo dapat tinatanong ang mga 'yan," matigas na sambit ni Xander sa kanila.

Napatikom naman ng bibig si Pedro at kumain na lang ng tahimik. Gano'n din si Boboy. Patingin-tingin na lang ngayon si Lei sa lalaking nasa tabi niya. Hanggang sa matapos ang salo-salo ay naging tahimik ang lahat.

Nagpunas ng bibig si Manuel bago tinawag ang anak, "Lei, mag-usap muna tayong dalawa," sabi niya.

Hindi nag-alinlangan na tumayo si Lei mula sa upuan niya at sumunod na naglakad papunta sa ama niyang naglakad palabas ng veranda nila. Nagsindi ng sigarilyo ang ama niya habang naghihintay sa anak. Napatingin siya sa malawak na kalangitan.

"Dad," tawag ng anak niya sa kaniya.

Humarap si Manuel sa anak, "Ano ang plano mo pagkatapos nito?" tanong niya at nagpalabas ng usok mula sa bibig niya.

"Luluwas ako ng Manila, dad. Pupuntahan ko ang mga kapatid ko," sambit niya at napayuko, "Dad, tatanggapin mo rin ba sila kagaya ng pagtanggap mo sa'kin dito?" nahihiya niyang tanong. Hindi niya gusto iasa ito sa kamay ni Phoenix.

Tinapon ng ama niya ang sigarilyo sa sahig at inapakan ito gamit ang mamahalin niyang sapatos, "Alam mo kung nasaan sila?" tanong niya.

Napaangat ng tingin si Lei sa kaniya, "Opo, inalagaan sila ng ama ni Phyton. Ang totoong ama niya," sabi niya.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now