"Anong umaasa?! Simula't-sapol mag-asawa tayo! Xander! Nakaka-inis ka!" napapahid ng luha si Lori habang pigil ang hikbi. Umiikot na rin ang mundo niya dahil sa kalasingan.

Umiling si Xander sa kaniya, "Mas gusto mo ba siya kaysa sa'kin?" mahinang tanong niya. Tila ay nawalan siya ng lakas na ipaglaban ang asawa.

Umiling si Lei, "Hindi, ikaw ang gusto ko. Dahil ikaw ang asawa ko!" sagot ng dalaga. Pinahid niya ang mga luha.

Lumambot ang mukha ni Xander at dahan-dahan na lumapit sa kaniya pero bigla itong napahinto at sinabunutan ang sarili.

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon. Siguro kapag nakakaalala kana, iba na ang gusto mo..." Sambit ni Xander bago nilisan ang kwarto.

Naiwang luhaan at nasasaktan si Lori sa kwarto nila. Napaupo siya sa sahig na niyayakap ang mga paa at ipinatong ang ulo sa ibabaw ng tuhod.

"S--sorry..." Usal niya sa gitma ng paghikbi.

Biglang may kung ano ang pumasok sa isip niya habang umiiyak. Nagsimula na naman na sumakit ang ulo niya. Samo't-saring mga alaala ang rumagasa.

"Arrggghhhh! Ang sakit! Aahhhh!" malakas niyang sigaw.

"Love," tawag ng pamilyar na boses.

"Arrghh...ano 'to?! Daddy! Ang sakit ng ulo ko!" napaluhod siya sa sahig habang hawak ang ulo niya. Nandidilim ang paningin at lalong lumalakas ang pagdaing niya.

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon. Siguro kapag nakakaalala kana, iba na ang gusto mo..." Pumasok sa isip niya ang sinabi ng asawa.

Dumaloy ang mga luha niya. Dumaing ito hanggang napahiga na sa sahig. Hindi niya alam na nagising ang anak niya at dumeretso na lumabas para makahingi ng tulong.

"Lei," tawag ulit sa kaniya. Tila ay isa itong musika sa tenga niya.

"Why not? I am a billionaire, Lei. Kaya kitang buhayin, pati ang pamil----," ang kirot naramdaman niya.

"Anak, pasensya na kung kinailangan mong pasukin ang trabahong 'to."

Napasipa si Lori kaya natamaan ang mesa. Nagsihulog ang mga bote sa ibabaw nito.

"Arrgghhh...hindi ko na kaya! Daddy! Ang sakit ng ulo ko! Daddy!" humihikbi siya. Umupo siya sa sahig at binunggo ang ulo sa sahig.

May biglang pumigil sa kaniya at niyakap siya. Doon siya nakaramdam ng kapayapaan. Umiyak ito at isinandal ang ulo sa balikat niya.

"Ang sakit, Phoenix. Ang sakit-sakit pa rin," bulong niya bago nawalan ng malay.

"Pare, hindi na tayo makakalabas dito. Sobrang laki na ng utang natin, eh. Hintayin na lang natin na mamatay siya," sabi niya sa mga kaibugan.

"TAKBO! BILIS!"

Unti-unting bumabalik ang alaala ni Lori habang natutulog siya. Lahat ng 'yon ay tila panaginig lang. Kada-minuto ay iba-iba ang pangyayari.

"NAY! Hindi ko kaya kung wala ka!"

"Ako na lang! Ako na lang ang ikulong niyo! 'Wag ang nanay ko!"

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Where stories live. Discover now