Medyo nangiwi pa ako ng kaunti nang marinig ko ang buo kong pangalan. Ang sabi ni Mama ay pangalan daw iyon ng banyaga kong ama at bilang nagiisang alala niya ay iyon ang ibinigay niya sa akin.




"Ako nga po." Sagot ko.




"Maligayang pagdating sa Manila, Mr. Cuevas. Ako si Hans, ang sekretarya ni Doctor Leondones, nasa board meeting siya sa mga oras na ito at inutusan niya akong sunduin ka. Halika, at dadalhin kita sa opisina niya." Sabi niya.


Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng gusali at lalo na sa mga nurse at doctor na nakikita at nakakasalubong ko. Mas lalo nitong pinag-tibay ang kagustuhan kong makapagtapos at maging isang doktor sa hinaharap.




Balang araw, pangako magiging magaling akong doctor at tulad ni Doctor Carlos ay tutulong rin ako sa ibang tao.




"Narinig kong gusto mong maging isang doktor gaya ni Doc Leondones, tama ba?" Tanong ni Mr. Hans nang nasa loob na kami ng elevator.




"Opo, tama po. Gusto ko pong maging magaling na doktor tulad ni Doc Carlos." Sagot ko naman na hindi maitago ang excitement sa boses ko.




"Magaling kung ganon. Aasahan kong makita kang isa sa mga magagaling na doktor rito sa hinaharap." Nakangiting sabi ni Mr. Hans.


Ngumiti ako at tumango. "Makakaasa po kayo, Mr. Hans." Tugon.




Nakasunod lamang ako kay Mr. Hans hanggang sa dumating kami sa palapag kung nasaan ang opisina ni Doc Carlos.




Isang malawak na kwarto ang bumungad sa akin nang buksan ni Mr. Hans ang pintuang aming hinintuan. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha na naman.




"Maupo ka muna hijo." Alok ni Mr. Hans na kaagad ko namang tinugon. Naupo ako sa isa sa mga malalambot na sofa roon sa mini sala set up.




"Dr. Carlos Leondones - Executive Director of Xavier Medical Group"


Pagbasa ko sa pangalan ni Doc Carlos na nakasulat sa isang babasaging desk nameplate. Wow! Kung gayon hindi lang pala isang pangkaraniwang doktor si Doc Carlos, mataas rin pala ang kaniyang posisyon sa ospital na ito.




Ilang minuto lamang ang itinagal nang bumukas ang pintuan at pumasok si Doc Carlos kaya kaagad naman akong napatayo. Sa likod niya ay may isa pang lalaking medyo matangkad na nakasuot rin ng puting kasuotan ng doktor.


"Eli, you're finally here."


Masayang salubong sa akin ni Doc Carlos. Binigyan pa ako nito ng yakap na akin namang ginantihan rin.




"Maraming salamat po, Doctor Carlos. Ngayon palang po nagpapasalamat na ako sa inyong alok na tulong." Sabi ko.


Tumawa naman siya saka hinawakan ang aking balikat.


"It's nothing, Eli. Naniniwala ako na ang mga batang kagaya mo ang magiging asset ng ating bansa sa hinaharap, that's why I will provide you the help you need." Sabi niya. "Oh, by the way I want you to meet my elder son Caspian, he is also a surgeon doctor like me." Pagpapakilala nito sa lalaking kasunod niyang pumasok.


"It's nice to finally meet you, Eli or should I say, Doc Eli?" Isang maliwanag na ngiti ang ibinigay nito sa akin.


Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa ginawa niyang pag-address sa aking pangalan. Ang sarap sa pandinig na maikabit sa pangalan mo yung bagay na pangarap mo.


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now