"Pakatatag kayo ah? Mahal na mahal tayo ni n-nanay," aniya. Kumakapit sila sa isa't-isa papasok sa loob.

Sa hindi magandang pagkakataon nakita nila ang binatang papalabas mula dito. Nagkatinginan ang dalawa at pagtataka naman ang naging reaksyon ni Lei.

"Anong ginagawa mo dito?!" matigas na tanong ng dalaga. Naniningkit ang mga mata niya, "Ano?! Ipapakulong mo ulit siya kahit w-wala na siya?" namumula ang mga mata nito para sa nagbabadyang luha na hindi maubos-ubos.

Nag-iwas tingin ang binata sa kaniya, "I'm sorry about your mom," sabi niya pero blangko ang mukha nito.

Tumawa si Lei, "Sa tingin mo maibabalik ng sorry mo ang nanay ko?! Phoenix nahihibang ka na ba?!" napahikbi siya habang kinakagat ang ibabang labi.

"No," sagot niya at umalis sa harapan ng dalaga.

Galit na galit namang naglakad papasok sina Lei. Pagpasok nila ay kita kaagad nila ang mga bangkay na nakahiga sa malamig na semento.

"Nasaan po si Esmeralda Dimaano?" tanong ni Lei, "Ilan po ang babayaran?" dagdag niya.

"Andito po siya, ma'am. Wala na po kayong babayaran, pati sa kabaong at gastusin sa nanay niyo," sabi ng lalaking nakasuot lang ng t-shirt.

Napatingin sa kaniya si Lei, "Sabi sa'kin ng mga pulis may babayaran kami," matigas niyang tugon.

"Oo nga po, pero binayaran na ng lalaki kanina. Pati renta sa kwarto, ma'am. Bukas na bukas nasa room 5 na kayo para sa lamay," sabi niya at nagsimulang tumalikod.

"T-Teka, sinong lalaki?" tanong niya.

"Nakasuot po siya ng kulay itim na coat, anak daw po siya."

Napakuyom ng kamao ang dalaga. Hindi puwedi, binayaran ni Phoenix ang lahat. Nag-sialisan sina Lala at Jojo sa tabi ng ate nila at niyakap ang nanay nilang malamig ng bangkay. Napatingin ang dalaga sa kanila at pigil ang iyak.

"Lala, Jojo, lalabas muna ako..." Sabi niya.

"Sige, ate." Nanatili silang umiiyak.

Tumakbo na palabas ang dalaga para hanapin si Phoenix. Babayaran niya ito. Hindi siya puweding magkautang na loob sa binata. Ayaw na niyang magkaroon ng koneksyon sa kaniya.

Hinanap niya ang kotse ng binata pero hindi na niya ito makita. Naglakad-lakad siya habang hinahabol ang tingin. Gusto niyang maiyak dahil sa inis.

"Matapos ang lahat? Bait-baitan siya?" nanggagalaiting sambit ni Lei habang mahigpit na humawak sa damit niya, "G*go ba siya?" tanong niya. Hindi niya mapigilang umiyak habang naglalakad. Ang bigat-bigat na ng nararamdaman niya. Parang ilang tonelada ang pasan-pasan niya. Paano siya magsisimula?

Nanlaki ang mga mata niyang nakita ang kulay itim na kotse. Kay Phoenix 'yon! Tumakbo siya para habulin ito.

"Tigil!" sigaw niya. Todo ang takbo ng mga binti niya sa gitna ng daan. Hindi niya nakita ang paparating na kotse mula sa likuran niya.

Mabilis ang naging pangyayari ng lahat ng tumama ang likod ng dalaga sa bumper ng kotseng kulay grey. Parang naging mahina ang pag-ikot ng mundo at pagtakbo ng oras. Lumipad ang katawan niya sa ere kasama ang luha niya. Napapikit ang dalaga sa malakas na pagbagsak at tumama ng matindi ang ulo sa semento.

Huminto ang kotse sa gilid at lumabas ang matandang sakay nito na nakangiti. Tumagas ang dugo sa ulo ng dalaga habang ang mga mata niya ay kalahating nakabukas. Naging malabo na ang mga mata niyang itinaas ang kamay para humingi ng tulong.

"Sabi ko naman sa'yo,'di ba? Papatayin kita kapag hindi mo nagawa ang pinapagawa ko sa'yo," aniya at mahinang tumawa, "Ngayon ay dahan-dahan kang mamatay, mauubos ang dugo mo." Dagdag pa niya at inikot ang tingin.

DS #1: Snatching The Billionaire's Heart(Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon