Chapter XXXIV

Magsimula sa umpisa
                                    

" Sshh. 'Wag mo ng ituloy. Baka hindi mo pa kaya. " pero umiling lang siya. 

" Noong mga time na 'yun, kahit nakasampal na ang ebidensya sa akin. Ebidensya na nangangaliwa si Jed, umasa pa rin ako, at the back of my mind, kahit gaano kaliit na baka hindi siya 'to. Baka nagkakamali lang ako. Kasi hindi siya ganito at hindi niya magagawa sa akin 'to. May takot man sa dibdib ko, buong lakas ko talagang diniretso 'yung kwarto niya. Papalapit pa lamang ako pero parang hindi ko na kinakaya. 'Yung mga ungol niya, 'yung boses niya... kilalang kilala ko 'yun eh. Kahit hindi ko siya makita, sa loob ng tatlong taon, alam ko na 'yung boses niya. Pero ang masakit dun, hindi lang 'yung boses niya 'yung naririnig ko eh. May kasama siya doon sa kwarto. Babae... " nakatingin lang siya sa malayo habang nagsasalita, 

" Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ako o masokista... " bahagya siyang natawa pero alam mong hindi tunay. " Sumilip pa ako doon sa kwarto. At ayun, parang akong sinaksak ng ilang libong kutsilyo ng makita kong 'yung babae pa mismo ang nasa ibabaw. Tapos konting galaw pa, nakilala ko kung sino 'yun, si Dianne pala. Kaya pala minsan, nahuli ko silang nagpapalitan ng makakahulugang tinginan noong nasa school tayo. May nangyayari na pala sa kanila noon. " 

" Paano mo nalaman? " curious kong tanong.

" Nakita rin kasi nila akong nakatingin sa kanila noong mga oras na 'yun. Si Jed, hindi alam ang gagawin. Si Dianne, alam na. Parang sanay na sanay sa mga ganitong eksena. Lumapit talaga ako sa kanila ng buong tapang noon. Hinubad ko 'yung singsing na binigay niya sa'kin at isinauli ko. Si Jed... hindi alam kung tatanggapin 'yung singsing kasi alam naman niya 'yung ibig sabihin nun. Pero ako na mismo ang nagpumilit na kunin niya. Pagkatapos nun, hinarap ko silang dalawa at humingi ng pasensya. Iniyak ko lahat sa bahay nun kaya kung mapapansin mo, hindi ako active sa SNS nitong nakaraang mga araw... gawa 'yun nun. " tumingin siya sa akin at saka sinuntok 'yung dibdib ko. " Psh. Anong tingin 'yan? 'Wag mo nga akong kaawaan. Kaya ko naman 'to eh. Malayo 'to sa bituka. " 

" Jam... " 'yun lang ang nasabi ko non. Hindi ko maexpress 'yung nararamdaman ko. 

" Tapos kinabukasan, nagkita kami sa school. Iiwas sana ako pero hinarang niya ako. Mag-usap daw kami. Ako naman si tanga, pumayag. Nung nag-uusap na kami sa library, doon ko nalaman na matagal ng may nangyayari sa kanilang ganoon. Pero ang sabi niya ay s*x lang daw talaga 'yun. Lalaki lang daw kasi siya at may pangangailangan. Reggo... " tapos humarap siya sa'kin. " Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Kayang isakripisyo 'yung mga mahal nila para lang sa pesteng pangangailangan na 'yan?

Hindi na lang ako sumagot. Alam kong nilalamon siya ngayon ng galit kaya niya nasasabi 'yung ganitong mga bagay.

" Kaya pala nitong mga nakaraang araw eh ang sweet sweet niya, nagpapa-good shot kasi may nagawang mali. " napailing siya. " Hinihintay kong humingi siya ng sorry at humingi ng panibagong pagkakataon. Mahal ko siya kaya handa akong ibigay sa kanya 'yun kahit pa ang laki nung nagawa niyang kasalanan sa akin. Pero wala eh. Talagang ayaw niya na siguro talaga. Siyempre, ano ba namang panama ko kay Dianne? Maganda na, sexy pa... nabibigay pa 'yung pangangailangan niya. Naisip ko nga eh, bumalik na lang kaya ko sa pagiging tibo? HAHAHA. " 

" Sila na ba? " tanong ko dito.

" Ewan ko. Wala naman pati akong pakialam kung maging sila. " 

" Pero bakit ano... parang ang bilis naman yata? Hindi niyo man lang pinaglaban ang isa't isa? I mean... sayang. Ang tagal tagal niyo na eh. " bakas talaga sa tono ng boses ko 'yung panghihinayang sa love story nila.

Bago siya sumagot, isang makahulugang tingin lamang at isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa'kin. 

" Hindi naman kasi sa tagal ng relasyon niyo nasusukat ang pagmamahal eh. Kung hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal. At oo, tama ka. Ang pagmamahal pinaglalaban 'yan, pero minsan kailangan ring isuko kasi kailangan.

Hello, Stranger! [BID II] [BxB] [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon